KABANATA XI:BAGONG PROPESIYA?

631 13 72
                                    

CASSIOPEA'S PROVERBS

Pinapanood namin ni Emre dito sa Devas ang mga nagaganap sa Encantadia at nakikita namin ang aking kapatid na nakakalaya na mula sa kanyang piitan pagkatapos nang napakabang panahon ngunit hindi makita nang aking mga mata kung sino ang nagpalaya sa kanya.

CASSIOPEA:Hindi na dapat maulit pa ang mga nangyayari sa nakaraan dapat wala nang makakasakop na kung sino mang nilalang na may maitim na budhi at gahaman sa kapangyarihan.

EMRE:Anong nais mong gawin mahal ko,nais mo bang puntahan ang iyong kapatid upang pakiusapan na itigil na niya ang kanyang masasamang balak?

CASSIOPEA:Ganon na nga Mahal ko.

At naglakbay ako patungo sa kaharian nang aking kapatid pagdating nakita ko ito na nakaupo sa  kanyang trono at mukhang nagpapagaling sa kanyang sugat.

AGATHA:Avisala kapatid kong taksil!

CASSIOPEA:Hindi ako naparito upang manggulo Agatha.

AGATHA:Alam ko na kung bakit ka naparito,upang akoy pakiusapan tama?

CASSIOPEA:Oo nandito ako upang makiusap na itigil mo na ang iyong masasamang gawain.

AGATHA:Paano kung sabihin ko sa iyo na ayaw ko,may magagawa ka ba?

CASSIOPEA:Meron gagawin ko ang nararapat kahit masakit sa aking loob!

AGATHA:Papaslangin mo ako?!kung ganon man bakit mo hindi gawin ngayon?

CASSIOPEA:Nanaisin ko man ngunit hindi ako ang itinakdang papaslang sa iyo!

AGATHA:Kung ganon sino?

CASSIOPEA:Hindi ko ipaalam sa iyo, pagkat ipapahamak mo lang sila(Saka ako nag-ivictus patungong Lireo pagkat may nais akong sabihin na napakahalaga sa mga diwata)

Agad akong nagtungo sa silid pulungan kung saan nagtitipon ang mga Sang'gre kasama nila Mira't Lira,Paopao,kanilang mga asawa at katipan.

ALENA:Ano't naparito ka Bathaluman?

CASSIOPEA:Pagkat meron akong napakaimportanteng sabihin sa inyo.

DANAYA:Ano iyon Mata?Ito ba ay tungkol sa magaganap sa hinaharap?

CASSIOPEA:Oo,pagkat nakikita ko sa aking mga mata na may bagong propesiya na itinakdang magaganap siyam na taon mula ngayon.

PIRENA:Bagong propesiya? Ang ibig sabihin ba nito ay may mangyayari na di kanais-nais?

CASSIOPEA:Oo pagkat may malaking digmaan na magaganap dito sa Encantadia limang taon mula ngayon mas magiging makapangyarihan ang aking kapatid.

AMIHAN:Mas maging makapangyarihan,paano?

CASSIOPEA:May tutulong sa kanya di ko mawari kung sino pagkat hindi ko siya makikita sa aking mga mata.

AZULAN:Matanong ko lang bathaluman magtatagumpay ba si Agatha?

CASSIOPEA:Hindi Rama,bagkus magtatagumpay siya kung ibang mundo ang kanyang sasakupin.

YBRAHIM:Ang mundo bang iyong tinutukoy ay ang mundo nang mga tao?

CASSIOPEA:Oo,at sa panahon na siyay magtumpay ay mamumuno siya nang mahabang taon.

MEMFES:May paraan ba upang pigilan itong mga magaganap sa hinarap Bathaluman?

CASSIOPEA:Ikalulungkot ko Rama ngunit walang paraan upang mapigilan ang propesiya.

AQUIL:Kung ganon ay madadamay na nga ang mga taong walang malay.

CASSIOPEA:Huwag kayong mag-alala pagkat may mga itinakdang tatapos sa kanya.

ALENA:Kung iyong mamarapatin,sino ang mga itinakdang iyong tinutukoy?

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now