KABANATA XXVII:PAGKAWALA NANG ALA-ALA

324 9 0
                                    

SA KAHARIAN NG NIYEBE

AGATHA'S PROVERBS

Nang makabalik na kami sa aming kaharian ay itinago namin agad ang anak ng aking kakambal sa lihim na silid nang saganon ay walang kahit sinong makakita sa kanya kahit ang Yna niya pa kasalukuyang nakaupo ako sa trono ngayon umiinom ng alak kasama ng aking mga Mashna upang namnamin ay tagumpay ng aming planong pagdukot kay Angelo.

AGATHA:Ngayon na napasakamay na natin ang anak ni Cassiopea ay magagawa na natin ang nais natin sa kanya!

CRISELDA:Tama ka doon Hara at natitiyak ko na kinakabahan na ngayon ang mga diwata pagkat isa itong malaking kawalan sa kanila!

ANDORA:Hindi lang iyon,sigurado ako kapag nakita nila ang anak ni Cassiopea na nasa panig na natin ay sigurado akong mahihirapan sila pagkat hindi nila kayang manakit ng miyembro nang tinatawag nilang pamilya!

ETHER:Kaya puntahan na natin ang ang ating bihag nang saganon masimulan na natin ang kailangan nating gawin sa kanya!

AGATHA:Sumasang-ayon kami diyan Bathaluman!

Kaya nag-ivictus na kami patungo sa lihim na silid at pagdating namin doon ay tamang-tama gising na ang aking Hadia.

AGATHA:Avisala mahal kong Hadia!

ANGELO:Pashnea ka Agatha pakawalan mo ako dito!

AGATHA:Makarating din tayo diyan ngunit sa ngayon ay may gagawin muna kami sa iyo!

ANGELO:Anong ibig mong sabihin?

ETHER:Malalaman mo rin iyan Rehav ngunit bago namin gagawin iyan ay nais mo bang mag-paalam sa iyong mga mahal sa buhay lalong-lalo na kay Mira? pagkat masaya kaming pakawalan ka upang makita sila sa huling pagkakataon!

ANGELO:Mabuti pang paslangin niyo nalang ako kaysa gawin niyo kung anuman ang nais niyo sa akin!

ANDORA:Hindi naming magawang paslangin ka pagkat ang minamahal mo mismo ang papaslang sa iyo!

ANGELO:Tanakresha,pagbabayaran niyo ito!

AGATHA:Mabuti pang simulan niyo na Bathaluman!

At hinawakan ni Ether ang magkabilang sentido ni Angelo at sinimulan na ang enkantasyon ng Bathaluman habang ang anak ng ang aking kapatid ay pilit na pumiglas.

ETHER:Bilang isang bathaluman ng Etheria sinusumpa kita Angelo na anak ng aking mga mortal na kaaway na si Emre at Cassiopea na matanggal ang lahat ng iyong ala-ala makalimutan mo ang iyong pinanggalingan ang iyong mga mahal sa buhay at lalong-lalo na ang tunay mong pagkatao ngunit bibigyan kita nang bagong ala-ala ang kilalanin mong Yna ay si Agatha at ang isipin mong mga kaaway ay ang mga diwata!HAHAHA!

Sinunod naman ito nang kanyang kapangyarihan at nawalan naman ng malay si Angelo at inutusan ko naman si Berto na dalhin siya sa bakanteng silid ng palasyo.

ANGELO'S PROVERBS

Pagkagising ko ay alam kong nasa Encantadia ako ngunit ang lugar kung nasaan ako ay pamilyar siya sa akin pero hindi.Hindi ko rin mawari kung ano ang aking ngalan ang tanging alam ko lang ay Yna ko si Agatha at kalaban ang mga diwata mabuti pang puntahan ko nalang si Yna para masagot ang aking mga katanungan.

Palabas na sana ako nang silid ngunit may isang babaeng hindi ko batid na nagkita na kami o wala na sumalubong sa akin may kutob ako na isa siya sa mga Mashna ni Yna.

GURNA:Mabuti nalang sa nagising ka na Mahal na Prinsipe hinihintay ka na ng iyong Yna sa hapag.

ANGELO:Sabihin mo sa kanya na pupuntahan ko siya pagkatapos ng ilang sandali.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now