KABANATA LVI:HINIHINGING KAPALIT

217 6 0
                                    

ENCANTADIA KAHARIAN NG NATHANIEL

ADAMUS' PROVERBS

Nasa Azotea ako ngayon ng palasyo pinapahupa ang init ng aking ulo nakakainis lang kasi na hindi kami maaring lumabas ng palasyo kahit ngayon lang di pa pinagbigyan subukan ko nga mag-ivictus pashnea may pananggalang pala dito ano ba iyan 😑 ilang segundo lang ay may naramdaman akong paparating paglingon ko ay si Ate Lira lang pala.

LIRA:Bakit ka mag-isa diyan Adam andun na ang lahat sa hapag para makapaghapunan.

ADAM:Pinapahupa ko lang po ang init ng aking ulo.

LIRA:Naunawaan kita sa pagkainis mo kanina sa silid aklatan.

ADAMUS:Avisala,eshma sa iyong pag-unawa Ate Lira.

LIRA:Walang anuman Adam,so tara na sa loob?

ADAMUS:Sige po

Pumasok na kami sa loob at nagtungo sa hapag ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga kaganapan sana malalagpasan nila ang pagsubok na ito.

SA MUNDO NG MGA TAO

MALACAÑANG PALACE

AGATHA'S PROVERBS

Nang umatras ang mga diwata sa labanan ay naisipan ko na bumalik na sa palasyo kasama ang Bathaluman at ang aming mga bagong alagad naabutan namin si Berto na nakahilata lang na parang walang pakialam ilang sandali lang ay dumating na sina Lucio at Andora kasama ang aming mga kawal.

BERTO:Kumusta ang labanan Kamahalan?

AGATHA:Bakit may pakialam ka ba?!

BERTO:Heto naman ang sungit nagtatanong lang po ako.

LUCIO:Ako nalang ang sasagot sa iyong katanungan Berto naging maganda ang labanan, maraming nasawi sa panig ng mga diwata kaya sila umatras.

ETHER:Tama si Lucio at natitiyak ko ano mang oras ay magtutungo dito ang Hara ng mga diwata upang kausapin tayo.

ANDORA:Nararamdaman ko na sila.

Lumitaw nga si Alena at Danaya sa aming harapan na parang may importanteng sasabihin.

AGATHA:Avisala mga diwata kanina pa namin kayo hinintay dito,nais ko bang ikuha ko kayo ng maiinom?!

ALENA:Hindi na kami magpaligoy-ligoy pa,ano ang hihingin niyong kapalit para sa kalayaan dito?

LUCIO:Kung sasabihin namin ay kayong magkakapatid kasama ng buong Encantadia mabibigay niyo ba iyon?

DANAYA:Pagdating sa mga ganyang bagay ay kailangan pa namin iyan pag-isipan, kaya maaari ba na bigyan niyo kami ng sapat na panahon?

AGATHA:Paano kung sasabihin ko na kailangan ko ang inyong pasya ngayon na!

ALENA:Poltre ngunit hindi namin mabibigay ang aming pasya ngayon kailangan din namin ito ipaalam sa ibang mga pinuno!

ETHER:Bibigyan namin kayo hanggang bukas bago pa sumikat ang araw,kung hindi pa kayo nakapagpasya bago pa sumikat ang araw ay batid niyo na kung ano ang mangyayari!

DANAYA:Sige bukas ng umaga bago pa sumikat ang araw ay ibibigay na namin ang aming pasya.

Saka nag-ivictus ang magkapatid na Alena at Danaya.

AGATHA:Bathaluman bakit binigyan niyo sila ng panahon na makapagpasya,paano kung nagsisinungaling lang sila?!

LUCIO:Anong rason para magsinungaling pa sila Agaths nakita ko sa kanilang mga wangis na wala na silang pamimilian kundi ibigay ang ating nais at natitiyak ko na sila mismo ang lalapit sa atin!

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon