PAGBIHAG

213 2 1
                                    

SA NAKARAAN

GENERAL'S PROVERBS

HERA ANDAL

Tinitipon na ni Avria at iba pang mga pinunong Etherian ang ang kanyang mga kawal upang magtungo sa Isla ni Evades nang handa ang lahat ay sumakay na sila sa kanilang sasakyang panghimpapawid.

AVRIA:Sa oras na makita ko ang aking walang hiyang asawa at ang kanyang kalaguyo ay hindi ako magdadalawang isip na paslangin silang dalawa!

CILATUS:Mas mainam kung papahirapan mo muna sila bago paslangin..

AVRIA:Magandang mungkahi iyan Rama.

ANIMUS:Kung ganon ay mauna na kami sa iyo.

ISLA NI EVADES

Abala ang lahat sa kanilang mga gawain ang magkakapatid na Sangre kasama si Cassiopea ay nagtungo sa batis upang mag-igib ng tubig habang sila Azulan, Ybrahim,Memfes,at Aquil ay nagtungo sa kagubatan upang maghanap ng mga bunga si Agatha naman ay nanatili sa kuta.

CASSIOPEA:Batid ko ang mangyayari sa hinaharap kaya hindi kayo magkasundo ng aking kakambal.

PIRENA:Sinabi mo pa Mata at kailan pa nagkasundo ng yelo at apoy?

ALENA:Nakakalungkot lang isipan na maling landas ang kanyang tinahak.

CASSIOPEA:Nakatakda na nga ang nakatakda.

AMIHAN:Matanong ko lang Cassiopea alam ba ng kapatid mo ang mangyayari sa kanya sa hinaharap?

CASSIOPEA:Hindi pagkat hindi ko ito maaaring sabihin sa kanya nais kong siya mismo ang maka diskubre sa kanyang kapalaran.

DANAYA:Kasumpa-sumpang Agatha ngunit maari pa siyang magbago di ba?

CASSIOPEA:Nasa kanya iyon sapagkat siya ang pipili sa kanyang kapalaran.(Saka bigla siyang natigilan)

PIRENA:May problema ba Cassiopea?

CASSIOPEA:May mga Etherian!

DANAYA:Tanakreshna!(Saka nagmadali silang nag-ivictus patungo sa kanilang kuta)

Habang papauwi sila Azulan mula sa pamimitas ng mga bunga ay sa di kalayuan ay nakita na nila na nagkakagulo na kaya nagmamadali silang tumakbo patungo sa kuta at nadatnan nila na nakipaglaban ang kanilang mga kasamahan sa mga Etherian nang walang pagdadalawang isip na tumulong sa pakikipaglaban.

Nang dumating din sila Cassiopea at ang magkakapatid na Sangre ay tumulong din sila sa pakikipaglaban nilabanan nila ang mga Kawal Etherian gamit ang kanilang mga sandata sa sobrang dami ng bilang ng mga kalaban ay wala silang pamimilian ang magkakapatid na Sangre,ang apat na Rama, si Cassiopea at Agatha kundi gumamit ng kapangyarihan ngunit hindi pa rin ito nakayanan sapagkat masyadong malakas ang pwersa ng mga Etherian.

Ng dahil nga sobrang lakas ng pwersa ng mga Etherian maraming mga diwatang napaslang at binihang ang mga natitirang diwata kasali na doon si Cassiopea at ang kanyang pamilya saka dinala sa Hera Andal sa mga oras na iyon ay wala si Evades sapagkat may inasikaso siyang importanteng bagay ngunit hindi alam ng mga Etherian ay may mga nakatakas.

HERA ANDAL

Pagdating sa Kaharian ni Avria ay agad dinala sa kulungan ang mga ibang bihag liban sa pamilya ni Ornia sapagkat pinaharap pa sila ni Avria.

AVRIA:Avisala taksil kong asawa, iyan ba ang iyong mga anak?! masasabi kong magaganda din sila kagaya ni Minea ngunit heto na ang huling pagkakataon na makasama mo sila!

MEMEN:Pashnea ka Avria huwag na huwag mong sasaktan ang mga anak ko! kundi.......

AVRIA:HAHAHAHA! ano bang magagawa mo limitado lang ang iyong kakayahan Memen wala kang magagawa!

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon