PAGTAKAS

263 7 0
                                    

SA KAHARIAN NG HADES

GENERAL'S PROVERBS

Kasalukuyang ginagamot ni Marcelo ang mga sugat nila Andora,Berto,Agatha,at Ether sa pakikidigma nagtataka ang Bathaluman kung bakit si Lucio na tila kay lalim ng iniisip.

ETHER:Lucio batid kong ikaw ay may iniisip,maari ko bang malaman kung ano iyon?

LUCIO:Namamangha ako sa kapangyarihan na meron ang mga diwata bathaluman,nais ko magkaroon ng ganyang kapangyarihan!

AGATHA:Iyong mga brilyante?Alam mo hinding-hindi natin basta makukuha iyon sa kanila,pagkat may basbas na iyan ng kanilang Bathala at Bathaluman!

ANDORA:Pwera nalang kung mapapaslang mo sila!

ETHER:Tama si Andora at Agatha,ngunit ramdam ko na may bagong kapangyarihan na paparating!

MARCELO:Matanong ko lang,tutuloy pa rin ba tayo sa mundo ng mga tao?

AGATHA:Bakit naman hindi na pinagplanuhan na natin ito di ba?

ANDORA:Naunawaan namin Hara,ngunit alam na ng mga diwata ang ating plano!

AGATHA:Ivi duo(alam ko),kung hindi lang dahil sa pashneang kawal na nagpapasok sa mga diwata ay hindi sana nila tayo maiisahan!

ANDORA:Tama ka doon Hara at ikinulong pa nila ako sa lihim na silid,ngunit buti nalang na dumating kayo at naparusahan ang mga kawal na nagtaksil!

BERTO:Kayo naman kasi bakit hindi niyo agad napansin na ang bunsong anak pala ni Pirena ang kinausap niyo?

AGATHA:Sinisisi mo ba ako Berto?!

BERTO:Hindi naman kita sinisisi pero...

ETHER:Sheda!tumigil na nga kayong dalawa!huwag kayong mag-alala akong bahala,kaya maghanda na tayo.

Saka sila nag-ivictus patungo sa lagusan.

SA LAGUSAN PATUNGO SA MUNDO NG MGA TAO

Nang makarating sila Ether sa lagusan ay agad nilang napansin ang mga kawal na nakabantay doon kaya nilapitan niya ang mga ito.

ETHER:Avisala mga kawal!

KAWAL CELESTIAN: May kalaban!

Susugurin na sana ng mga kawal ang Bathaluman ngunit inihipan sila ng abong pampatulog kaya nawalan ng malay ang mga ito pagkatapos ay lumapit naman ang kanyang mga kasama sa kinoroonan ni Ether at binuksan ni Lucio ang lagusan at umalis na ng Elementia.

SA MUNDO NG MGA TAO SA BAKANTENG LOTE

PAOPAO'S PROVERBS

Ilang oras na kami nagbabantay dito sa lagusan ngunit wala pa kaming napapansin na may lumalabas pauwi na sana kami ngunit may liwanag na lumalabas na galing mismo sa lagusan.

PAOPAO:Estasectu!

Naghanda naman ang aking mga kasama dahil alam ko na mapapalaban kami nito ilang segundo lang ay nakita namin sina Ether na lumabas sa lagusan.

LIRA:Tanakreshna!

AGATHA:Natutuwa kaming makita kayo muli mga diwata!

Tapos may inihip siyang parang abo paglanghap namin ay bigla nalang kami nawalan ng malay.

GENERAL'S PROVERBS

Paglabas ng mga diwata sa puno ng Asnamon ay agad nilang naisipan na magtungo na sa bakanteng lote kung saan naroroon sina Paopao ngunit pagdating nila doon ay nadatnan nila sina Mira,Lira,Angelo,Paopao at iba nilang kasama na wala ng mga malay kaya agad nila itong dinaluhan.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt