MGA UNANG HAKBANG

374 9 0
                                    

SA MUNDO NG AVILA

GENERAL'S PROVERBS

Inutusan nila ang mga kambal diwa ng kanilang mga brilyante para magdala ng mensahe sa bawat kaharian ng encantadia ng saganon ay malaman na ng kanilang mga Mashna ang kanilang misyon.

SA ENCANTADIA..

SA KAHARIAN NG LIREO..

Naglibot-libot ang dalawang Mashna na sina Hitano at Muros upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan doon.

MUROS:Anong ginagawa ng kambal diwa ng Brilyante ni Hara Amihan?

HITANO:Baka may mahalagang mensahe ang Hara ng Sapiro.

AVILAN:Tama kayo pagkat pinadala ako dito ng Hara Amihan upang ipaalam sa inyo ang inyong misyon.

MUROS:Misyon?

AVILAN:Oo pagkat inatasan kayo na libutin ang bawat sulok ng Lireo upang alamin kung aling lupain sa Encantadia ang ginawang lagusan ni Ether upang makarating sa Mundo ng mga tao.

HITANO:Masusunod Aira at avisala eshma sa iyong bagong ulat.

AVILAN:Walang anuman man iyon Mashna may isang bagay pa ako na nais ipaalam sa inyo kung wala kayong makita sa buong Lireo magtungo kayo sa Lumang Etheria.

MUROS:Avisala eshma ulit Avilan.

AVILAN:Walang anuman.

Nagsimula na silang maglakad pabalik ng palasyo magsama ng ilang kawal pagkalipas ng ilang sandali ang naglibot na sila sa buong lupain ng Lireo.

SA KAHARIAN NG HATHORIA

Kasalukuyang nagsasanay si Mikael kasama ng ilang kawal Hathor sa moog tanggulan ng palasyo at sa di kalayuan ay may nakakita sa kambal diwa ng brilyante ng kanilang Hara na papalapit sa kanila.

KAWAL 1:Di ba si Alipato iyon ang kambal diwa ng brilyante ng Hara Pirena?

KAWAL 2:Oo nga,bakit kaya?

ALIPATO:Magandang katanungan iyan mga kawal,mabuti na narito kayo lahat.

MIKAEL:May nais ka bang iparating sa amin?

ALIPATO:Oo Mashna nais iparating ang Hara na may misyon kayong dapat gawin.

MIKAEL:Anong misyon iyon?

ALIPATO:Nais ng Hara na libutin niyo ang bawat sulok ng lupain ng Hathoria ng saganon ay malalaman nating lahat kung saan gumawa ng lagusan si Ether upang makalabas ng Encantadia at kung wala kayong madiskubre na kahit ano sa Hathoria doon kayo maghanap sa lumang Etheria.

MIKAEL:Masusunod Alipato.

Walang anu-ano ay sinunod agad nila ang nais ni Hara Pirena na libutin ang bawat sulok ng Hathoria.

SA KAHARIAN NG ADAMYA

Nagbabantay si Eres at ang kanyang mga kawal sa punong bulwagan sa palasyo pagkat nagtungo si Khalil  sa Timog bahagi ng Adamya upang tingnan ang kalagayan ng mga mamamayan doon "Ano kaya ang ginagawa ng kambal diwa ng brilyante ni Hara Alena dito?" sambit niya sa isipan.

ERES:Anong ipinunta mo rito Agua?

AGUA:Nagtungo ako rito pagkat may nais iparating si Hara Alena,inatasan niya kayong magmanman sa buong paligid ng Adamya nang saganon ay malalaman nating lahat kung saang parte ng encantadia gumawa ng lagusan si Ether.

ERES:Ang ibig mo bang sabihin ay nakarating na sa mundo ng mga tao si Ether?

AGUA:Oo Mashna at kung sakaling wala kayong mahanap na kahit anong lagusan dito sa Adamya sa lumang Etheria kayo magtungo.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें