BAGONG KAKAMPI NI ETHER

486 12 3
                                    

ETHER'S PROVERBS

Ngayon nalaman na ni Pirena tungkol sa aking pagbabalik natitiyak ko na sasabihin niya iyo sa kanyang mga kapanilag at sigurado ako na sa ano mang oras susugod sila rito kaya kailangan kong gumawa ng paraan upang mapabilis ang pagbuo ng aking kapangyarihan.

BERTO:Ano ng plano mo ngayon na nalaman na ng tiyahin ni Mila ang iyong pagbabalik?

ETHER:Huwag kang mag-alala pagkat naka-isip na ako ng paraan upang mapabilis ang pagbabalik ng aking kapangyarihan.

BERTO:Ano naman ang naisip mo?huwag mong sabihin na kukunin mo ang isa sa mg brilyante?

ETHER:Kukunin ko lang ang binhi ng kapangyarihan na binaon ko sa lupa noong huling digmaan.

Flashback

Sa oras na bumalik na ang mga anak ni Minea sa kani-kanilang katawan mula sa oras na pinagsanib ang kanilang mga brilyante nais ko pa sana silang labanan ng biglang dumating si Emre para tulongan ang mga anak ni Minea at ako'y ginagawang ordinaryong pashnea nalang tanakreshna! bulong ko sa aking sarili nawala man ang aking pagkabathaluman ngunit hindi nila alam na merong akong binhi ng kapangyarihan na itinago ko sa aking katawan.

Pagkatapos akong isinumpa ng pashneang bathala na iyon ay umalis agad ako upang makahanap ng lugar kung saan ko ibabaon ang binhi na nasa loob ng aking katawan at naisipan ko na sa Lumang Etheria ko nalang ito ipababaon pagkat akala ng lahat ang tuluyan na itong nawasak nadaig man nila ako sa mga panahon na ito sisiguradohin ko na madadaig ko ang mga diwata sa susunod.

SA KASALUKUYAN

BERTO:Ngayon mo na ba balak kunin iyon?

ETHER:Hindi pa pagkat nakasiguro ako na puntahan ng mga diwata ang Lumang Etheria para mag-imbistiga.

BERTO:Kung iyan ang gusto mo,magpapahangin lang ako sa labas.

SA SILID PULUNGAN NG LIREO..

GENERAL'S PROVERBS

Nagtipon-tipon ang mga pinuno ng bawat kaharian kasama nila Mira't Lira at Paopao para mapag-usapan kung ano ang mgs impormasyong kanilang nakukuha sa kanilang paglalakbay at malaman na rin ng tatlong nakakabatang miyembro ng konseho ang mga nagaganap.

Ngunit bago sila nagsimula sa kanilang pag-uusap ay inutusan muna  ni Alena ang kanyang brilyante upang lagyan ng pananggalang ang silid nang saganon ay mananatiling lihim ang kanilang pag-uusap kaya sinumulan na ng Rama ng Sapiro na magsalita.

YBRAHIM:Sa aming paglalakbay sa Lupain ng mga mandirigma sinabi ng aking ama-amahan ay wala silang napansin na nilalang O kawal sa kanilang lugar upang bumihag ng mga Encantado.

AMIHAN:Tama si Ybrahim sa katanuyan ay ngayon lang nila nabalitaan na merong mga nawawalang mga Encantado,kung may napapansin silang kakaiba nangangako naman si Apitong na magsasabi siya agad.

ALENA:Mabuti naman kung ganon at mainam na nalaman na nila kung ano ang nangyayari,kumusta na man ang inyong paglalakbay ni Aquil Hara Durye?

DANAYA: Sa pagpunta namin sa Ascano ay may sinabi si Juno na mayroong kakaibang nilalang na kanilang nakalaban pagkat pinagtangkaan nito na kunin ang kanyang anak.

AQUIL:Sa katunayan nga meron pa silang nawawalang kasama na hindi pa nila mahanap hanggang ngayon.

AZULAN:Kakaibang nilalang?

AQUIL:Oo,Rama at bakit?

AZULAN:Pagkat meron kaming nilalang na nakaharap kanina sa Lupain ng mga Punjabwe pagkat mayroon itong balak upang mambihag.

ALENA:Batid niyo ba kung saan ito nanggaling?

PIRENA:Oo,isa siya sa mga kakampi ni Ether at natitiyak ko rin na ang dating Bathaluman ay kakampi rin nila Agatha.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now