BIGLAANG PAG-ALIS

218 6 2
                                    

KINABUKASAN

SA ELEMENTIA KAHARIAN NG NARRA

GENERAL'S PROVERBS

Pagkatapos mag-almusal ng lahat ang agaran silang nagtungo sa silid pulungan upang planuhin kung paano puksain ang mga halimaw na nasa hilaga at kanluran pagkat malaki-laki na ang napinsala nito kaya kailangan na nilang gumawa ng agarang plano.

LUCAS:Bilang Hari ng Kahariang Narra binubuksan ko na ang pagpupulong na ito.(Sabay taas ng kanyang septre tapos umupo ulit)sa ating paglalakbay kahapon ang iba hindi nahanap ang mga nilalang na bigla nalang sumulpot dito habang ang iba sa atin ay nahanap ito ang tanong ko sa mga nakakita sa mga nilalang na ito ano ang naobserbahan ninyo?

AMELIA:Malakas ang kanilang pakiramdan Kamahalan konting galaw lang ay malalaman agad nila na meron nakatingin sa kanila.

JACINTHA:Bukod diyan ay maliliksi ang mga ito kung tatakbo ang mga ito ay kasingbilis ng sasakyan at nakita ko na malakas din ang mga ito.

AVA:Hindi pala basta basta ang mga nilalang na ito,kung ganon ay  kailangan natin pagkaisahin ang ating mga kapangyarihan upang talunin ang mga halimaw.

KEVA:Tama at hindi espada ang gagamitin natin upang labanan ang mga halimaw kundi ang mga baril galing Hathoria.

LIAM:Kung magtungo tayo sa pugad ay kailangan nating mag-ingat sa ating mga galaw hanga't maari pagkat  matulis ang pakarimdam ng mga ito.

TARIQUE:Kung maari ay magtungo na tayo doon ngayon na,bago pa sila makapaminsala.

OTIS:Hatiin natin ang ating grupo sa dalawa ang Lahar at Celestia ay sa Hilaga samantalang ang Narra at Aqua ay sa kanluran.

Saka natapos ang pagpupulong at agad silang naghanda para magtungo sa pugad ng mga halimaw.

FAST FORWARD

Pagdating nila sa mga pugad ng mga halimaw ay maingat sila sa kanilang bawat galaw upang hindi sila maramdaman ang mga ito ngunit kahit na anong ingat nila ay naramdaman pa rin ang kanilang presensiya ng mga halimaw sinugod sila mga ito kaya gumawa ng pananggalang ang mga pinuno gamit ang kanilang kapangyarihan.

Nilabanan nila ito sa pamamagitan ng baril na galing Hathoria sa Hilaga ay pinagsanib ng Lahar at Celestia ang kanilang kapangyarihan kaya karamihan sa mga ito ay napaslang ganon na rin ang ginawa ng Narra at Aqua sa Kanluran.

Napaslang man ang karamihan ng mga kalaban ngunit may mga kawal na sugatan pagkat hindi nila inaasahan na malalakas din ang mga ito dahil nasira ang kanilang ginawang pananggalang.

Pagkatapos ng mahabang oras ng labanan ay naisipan na nila bumalik sa palasyo pagkat marami na sa kanilang mga kawal ang napahamak.

Naisipan na rin mga pinuno na maglagay ng pananggalang sa kanilang kanya-kanyang sinasakupan nang saganon ay di mapapahamak ang mga mamamayan.

SA MUNDO NG MGA TAO

FORBES PARK TAHANAN NG MGA DIWATA

Bago pa sumikat ang araw ay nagising na ang Rehav ng Devas pupunta sana siya sa silid ni Mira at Lira upang gisingin ang mga ito ngunit may munchka(maliit na argona)  na bigla nalang sumusulpot ngunit sigurado si Angelo na pinadala ito ng kanyang Ama.

ANGELO:Andito ba kayo upang gisingin sina Mira at Lira?

Lumipad lang ang mga ito paligid niya at ng walang pagdadalawang isip ay nagtungo ang isa sa silid ni Mira at ang isa naman ay sa silid ni Lira.

SA SILID NI LIRA

LIRA'S PROVERBS

Mahimbing akong natutulog ng biglang may kung ano ang dumadagan sa paa ko na malamig at sa sobrang gulat ay napabalikwas ako ng bangon.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now