KABANATA LX:SIMULA NG PAGSUBOK

208 3 0
                                    

SA NAKARAAN

GENERAL'S PROVERBS

DALAMPASIGAN MALAPIT SA LIREO

Nagmamasid sa mga batang naglalaro sa dalampasigan ang ilang mga kawal ni Avria upang tingnan kung totoo ba ang sabi ni Odessa wala silang nakitang kakaiba kundi mga batang naghahabulan kaya naisipan nalang nila na bumalik sa Hera Andal kung saan naghahari si Avria.

Pagkatapos ng ilang sandali ng paglalaro ay naisipan na nilang magpahinga.

MINEA:Ang saya!

AMIHAN:Sinabi mo pa!

PIRENA:Naman lalong lalo na, na halos madapa si Danaya! hahaha..😂

DANAYA:Ang hilig mo talagang mang-asar ano!

MINEA:Tama na iyan baka magkapikunan pa kayong dalawa.

ALENA:Pupunta ka pa rin ba dito bukas?

MINEA:Oo naman.

AMIHAN:Maganda iyan para magkakasama ulit tayo.

MINEA:Alam niyo dito lang ako nakakagalaw na malaya.

AZULAN:Sobrang higpit ba ni Hara Avria sa iyo?

MINEA:Hindi naman marami lang siyang pinagbabawal.

YBRAHIM:Pinagbabawal?Kagaya ng pagtakbo sa loob ng palasyo ganon?

MINEA:Oo,mga ganon.

MEMFES:Matanong ko lang mahusay bang Reyna ang iyong Yna?

MINEA:Oo naman..

AQUIL:Bakit kinawawa niya ang mga diwata kung isa kang Hara di dapat ganyan.

DANYA:Aquil!(Sabi niya habang pinanglakihan niya ng mata ang asawa)

AQUIL:Poltre sa nasabi ko Minea.

MINEA:Alam mo tama ka hindi nga ako sangayon sa ginawa ni Yna dahil batid ko na masyadong makasarili iyon,kung ako magiging Hara gagawin kong pantay ang karapatan ng lahat ng Encantado at ang tanging iisipin ko ay ang ikabubuti ng Encantadia.

PIRENA:Magiging mahusay na pinuno ka rin balang araw Minea.

DANAYA:Tama si Pirena at ituturing kang pinuno na may busilak ang puso.

MINEA:Avisala eshma Pirena at Danaya.

GURNA:Babalik na tayo sa palasyo Mahal na Diwani baka hinahanap ka na ng iyong Yna.

MINEA:Paano mauna na kami,sa inyo.

ALENA:Sige mag-ingat ka.

Tumango naman si Minea saka nag-ivictus na patungo sa kanilang kaharian at bumalik na rin sa kuta ang mga Hara at Rama.

HERA ANDAL

Nang makabalik na sa palasyo ang mga kawal ni Avria tinanong agad niya ang mga ito kung may nakita silang kakaiba ngunit ang sagot ng kanyang mga kawal ay wala silang nakikitang kakaiba kundi mga batang naglalaro lang sa dalampasigan kaya pinaalis na niyo ang mga ito.

AVRIA:Kailangan ko tawagin si Bathalumang Ether!(Sambit niya sa isipan)

Saka gumawa ng ritwal ang Hara upang magpakita sa kanya ang Bathaluman ilang sandali lang ay magpakita na ito sa kanya.

ETHER:Ano ang iyong kailangan Avria?

AVRIA:May suliranin ako Bathaluman sinabi sa akin si Odessa na may mga makapangyarihang nilalang pa daw dito sa Encantadia liban sa akin,hindi batid kung sino ang mga iyon at kailangan ko silang mahanap.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon