KABANATA LVI:PAGBAWI SA HATHORIA

196 2 0
                                    

KAHARIAN NG NATHANIEL

GENERAL'S PROVERBS

Nabalitaan ng Hara ang ginawa ni Adam sa mga kalaban kaya naisipan nilang magtungo sa silid pulungan upang pag-usapan ang tungkol dito at kung ano ang kanilang magiging plano.

LIRA:Mainam ang ginawa mo Adam,magandang pagkakataon ito upang gagawa tayo ng hakbang upang mabawi natin ang isa sa mga kahariang inangkin nila.

ADAMUS:Avisala eshma Hara,anong kaharian ang uunahin natin?

MIRA:Ang mungkahi ko ay ang Hathoria sapagkat mas madaling talunin si Agatha at ang kanyang mga alagad.

LIRA:Tama ka Mira iyan din ang naisip ko,samantalahin natin ang pagkakataong ito habang mahina pa ang pwersa ng mga kalaban, kaya mga mashna ihanda niyo na ang mga hukbo.

MGA MASHNA:Masusunod Hara!

Kaya nagpalit na sila ng gayak pandigma at ilang sandali lang ay handa na ang kanilang mga kawal upang bawiin ang Hathoria.

KAHARIAN NG HATHORIA

Kasulukuyang nag-iikot si Agatha sa paligid ng palasyo ang una niyang napansin ay ang pagkalanta ng mga puno't halaman na nakapalibot sa kaharian nagtataka din siya kung bakit konti nalang ang natitira sa kanyang mga kawal kaya dali-daling lumapit si Agatha upang tanungin ang kanyang Mashna kung ano ang nangyayari.

AGATHA:Mashna ano ba ang nangyayari dito,bakit biglang kumonti ang bilang ng ating mga kawal at anong nangyari sa iyo,mukhang may malubhang sakit ka? (Pagtatakang tanong ng Hara)

MASHNA:Hindi ko batid kong anong nangyari Hara nagtataka kami kung bakit biglang nalang nalanta ang mga puno't halaman sa paligid at biglang mga malubhang sakit na dumadapo sa aming mga katawan,sa katunayan nga po karamihan sa ating mga kawala ay nalalagas na.

AGATHA:TANAKRESHNA!hindi maaring mangyari ito sapagkat hahanapin pa natin ang mga diwata!(Natitiyak ako na kagagawan ito ng mga diwata pashnea! sambit niya sa isipan)

Saka tumalikod siya at nag-ivictus patungong Lireo..

SAMANTALA....

At nang makahanda na ang lahat ng mga Diwata,Hathor,Adamyan,at Sapiryan ay agad-agad silang nag-ivictus patungo sa Hathoria pagdating nila ay agad nilusob ng mga diwata ang mga alagad ni Agatha na nasa bukana ng palasyo tamang-tama ang kanilang pagdating sapagkat wala ang kanilang Hara pagkatapos nila paslangin ang mga bantay sa bukana ng palasyo ay naisipan nilang maghiwa-hiwalay si Mira,Angelo at Alana sa punong bulwagan kasama ang ilang mga Kawal Hathor,si Adamus at Angelo sa Silangang Bahagi ng Palasyo kasama ang mga Kawal Adamyan,si Dasha at Paopao kasama ang mga Kawal Sapiryan sa Hilagang bahagi,samantalang si Lira at Cassandra kasama ang mga Kawal Diwata ay sa Kanlurang Bahagi ng palasyo.

KAHARIAN NG LIREO

AGATHA'S PROVERBS

Nagtungo ako sa Lireo upang magtanong kay Bathalumang Ravana kung batid ba niya ang mga pangyayari sapagkat bukod kay Cassiopes may kakayahan din siyang makakita.

RAVANA:Batid ko kung bakit ka nandirito sapagkat nais mong itanong kung may kinalaman ba ang mga diwata sa pagkalagas ng ating mga kawal at pagkalanta ng mga puno't halaman sa ating paligid,tama ang iyong sapantaha Agatha isa sa mga Sangre ang may gawa ng sumpa na ito .

AGATHA:May magagawa ka ba upang mawala ang sumpa na ito Bathaluman?

RAVANA:Poltre Agatha ngunit wala akong magagawa upang mawala ang sumpa na inilagay ng anak ni Alena.

AGATHA:Di ba makapangyarihan ka bakit wala kang magawa upang alisin ang sumpa?!

RAVANA:Sapagkat ang sumpang ito ang nanggagaling sa isa sa mga Bagong Makapangyarihang Brilyante!

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now