PAGBABALIK NI MIRA AT ANGELO

193 3 1
                                    

MUNDO NG MGA TAO UNITED KINGDOM

MIRA'S PROVERBS

Kaninang umaga pa ako nag-send ng ng email tungkol sa naganap dito sa UK nagdaan nalang ang mga oras ay wala pa ring nag-reply sinubukan kong tawagan ang aking mga kamag-anak nag-ring ang kanilang mga cellphone ngunit walang sumasagot hindi ko mawari kung bakit medjo kinabahan ako ngayon at parang gusto ko ng bumalik sa Encantadia.

ANGELO:Mira!(Tawag pansin sa akin ng aking kasintahan)

MIRA:Ayy..pashnea!

ANGELO:Anong pashnea?

MIRA:Nangugulat ka kasi!

ANGELO:Kailangan na nating bumalik sa Encantadia ngayon din.

MIRA:Bakit may nakikita ka bang na may nangyaring hindi maganda doon?

ANGELO:Oo Mira,nilusob nila Ether ang apat na kaharian na ngayon ay napasakamay na nila!

MIRA:Tanakreshna,kaya pala kinutuban ako kanina.. teka paano tayo makakabalik agad meron bang lagusan dito papuntang Encantadia?

ANGELO:Oo sa loob ng St. Paul's Cathedral

MIRA:Batid mo ba ang daan patungo doon?

ANGELO:Oo

Kaya nagmadali kaming nag-impake at agad kaming nag-ivictus patungo sa St.Paul's Cathedral pagdating namin doon ay mabuti nalang na walang tao kaya walang makakakita sa amin kaya tinapat ko na ang susi sa lagusan.

MIRA:Asnamon voyanazar!

At agad namang nagbukas ito pagpasok namin sa Encantadia ay sinarado agad namin ang lagusan.

ENCANTADIA

Pagdating namin sa kagubatan ng Encantadia napansin namin agad ang kakaibang katahimikan dito sa hindi kalayuan ay nakita agad namin ang Lireo ngunit wala na itong kabuhay-buhay papalapit na sana kami ni Angelo doon tingnan kung ano ang nangyayari ngunit may mga sumalubong na mga Kawal Niybe sa amin at nilusob kami walang pagdadalawang isip ay nagpalit agad kami ng gayak pandigma at nilabanan  ang mga ito gamit ang aming mga sandata hindi naman masyadong malakas ang mga ito kaya madali namin silang nadaig.

ANGELO:Nasa Nathaniel sila kailangan natin magtungo doon.

tumango naman ako bilang pag-sangayon saka nag-ivictus kami patungo sa Nathaniel.

KAHARIAN NG NATHANIEL

ANGELO'S PROVERBS

Pagdating namin sa Nathaniel ay agad kaming sinalubong ni Irah at ng iba pang mga kawal.

IRAH:Maligayang pagbabalik Mahal na Sangre at Rehav.

ANGELO:Avisala eshma Irah,maayos lang ba ang kalagayan ng ating ibang kasamahan?

IRAH:Oo Rehav sapagkat pinagaling sila ng Mahal na Diwani Dasha ngunit maraming mga buhay na nalalagas dahil sa naganap na labanan.(Malungkot na sambit ng Mashna)

MIRA:Ano ba talaga ang nangyari,kung bakit nanaig ang mga kalaban?

IRAH:Sapagkat naging malakas ang sila Ether,Lucio,at Agatha saka may bago silang kasama sa pagkakaalam ko ay si Ravana daw iyon,iyong Bathalumang isinumpa na kinatatakutan ng lahat pagkatapos ay mas dumoble ang kanilang bilang.

ANGELO:Heto na nga ang araw na kinatatakutan natin na napakasamay na ng mga kalaban ang apat na kaharian,wala bang nabihag ang mga kalaban?

IRAH:Wala naman Rehav,siya nga pala nais niyo ba na ipaalam ko sa mga Hara at Rama na nakabalik na kayo?

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now