TIWALA

345 9 0
                                    

GENERAL'S PROVERBS

Pag-alis ni Agatha kasama ang kanyang mga alagad ay tinulungan nila Pirena at Amihan ang kanilang mga kapatid na sugatan habang si Ybrahim at Azulan naman kina Aquil at Memfes tumulong naman sina Mira,Lira,Angelo,at Paopao.

CHOLENG:Ano ba ang nangyayari,naguguluhan na talaga ako?!

JIGS:Saan ba talaga kayo nangaling?!

AMIHAN:Mamaya na namin ipaliwanag sa inyo Ninong at Ninang sa ngayon ay humawak muna kayo sa balikat namin ni Pirena.

CHOLENG:Bakit naman?

PIRENA:Huwag na kayong magtanong,malalaman niyo rin ang sagot.

JIGS:Sige.

At nag-ivictus sila papasok ng bahay pagdating nila sa loob ay agad ginamit ni Paopao ang kanyang brilyante upang pagalingin sa Aquil at Memfes at tinawag naman ni Mira si Dasha upang pagalingin si Alena at Danaya.

PAOPAO:Brilyante ng diwa sinasamo kita na iyong pagalingin at ibalik ang lakas ni Kuya Memfes at Kuya Aquil nang saganon ay makalaban sila ulit kung sakaling bumalik ang mga vedalje!

Sinunod naman ito agad ng kanyang brilyante.

DASHA:Avisala eshma kapangyarihan ng kalikasan ngayon ay nagsusumamo ako sa iyo na pagalingin mo ang aking Yna at Ashti nang saganon ay magkaroon sila ng lakas ulit upang lumaban sa mga vedalje kung sakaling bumalik ang mga ito!

Lumiwanag ang palad ng batang Sanggre at may enerhiyang lumabas upang pagalingin si Alena at Danaya ilang sandali lang ay gumaling at nagkamalay na ang mga sugatan.

DASHA:Avisala eshma na nagkamalay na kayo!

LIRA:Ayos lang po ba kayo may masakit pa ba?

DANAYA:Avisala eshma sa inyong pag-alala ngunit ayos na ako.

ALENA:Ako rin avisala eshma sa pagpapagaling niyo sa amin.

AQUIL AT MEMFES:Nagpapasalamat kami ng lubos sa inyo!

DASHA AT PAOPAO:Walang anuman po iyon!

ANGELO:Ito na nga ang simula ng totoong problema at nakikita ko sa aking mga mata ay may gagamitin ang kabilang panig ng isang makapangyarihang nilalang laban sa inyo ngunit hindi ko mawari kung sino.

MIRA:Umaasa ako na wala sa atin ang nilalang na iyon,pagkat hindi natin nanaisin na saktan ang kahit na sino sa pamilyang ito.

YBRAHIM:Tama ka doon Mira pagkat hindi man natin maamin sa ating mga sarili ay mahihirapan tayo kung mangyayari iyan.

CHOLENG:Ano bang pinag-usapan niyong tungkol sa kapangyarihan,ano ba talaga kayo ha??

JIGS:Hindi talaga namin maiintindihan promise,gulong-gulo na talaga ang aming isip.

AMIHAN:Hayaan niyo kaming magpaliwanag naalala mo Ninang ang sinabi sa akin ni Tatay Raquim noong maliit pa ako may mga ibon na lumalapit sa akin tuwing umiiyak ako?

CHOLENG:Oo sa totoo lang napakarami noon at ano namang koneksyon sa mga ibon?

AMIHAN:Inutusan sila ng aming Ynang Reyna na si Minea mula sa mundo namin upang bantayan ako.

JIGS:Teka-teka mundo niyo,bakit taga ibang planeta ba kayo?

ALENA:Parang ganon na nga sa katunayan ay nanggaling kami sa mundo na tinatawag na Encantadia.

CHOLENG:Encantadia,saan iyon?

DANAYA:Sa kabilang dimension ng mundo niyo at walang sinuman ang nakakaalam sa mundong iyon maliban sa kauri namin.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now