MGA NAWAWALANG ENCANTADO?

495 11 2
                                    

MEMFES' PROVERBS

Nakauwi na rin kami sa Encantadia pagkatapos ng mahabang lakad sa mundo ng mga tao pauwi na sana kami sa aming kanya-kanyang kaharian ng lumapit sa amin si Muros na para bang may importanteng sasabihin.

MUROS:Mga kamahalan,Mashna Durye buti nalang na nakabalik na kayo pinatawag kayo ng Hara pagkat may pagpupulong kayo.

SA SILID PULUNGAN

MEMFES:Pabigla-bigla naman ata ang pagpupulong na ito.(Pagtataka kong sabi)

AQUIL:Mabuti pang puntahan na natin sila doon.

Pagdating namin sa silid pulungan pakiramdam ko na meron kaming napakaimportanteng pag-uusapan ngunit hindi ko pa batid kung ano.

ALENA:Avisala eshma na nakabalik na kayo,bilang Hara ng Lireo inumpisahan ko na ang pagpupulong na ito(Sabay kompas niya sa septre nang Ynang Reyna)pwede na kayong umupo..

Nagsiupoan na ang lahat...

ALENA:Merong nakatarating sa akin na masamang balita na merong nawawalang mga Enkantado mga tatlong araw na itong nangyayari.

AMIHAN:Kung iyong mararapatin ang aking katanungan Hara,sino ang nag-ulat sa iyo niyan?

ALENA:Isang mamamayan mula sa lupain ng Adjantao at sa lupain ng mga Nymfas.

DANAYA:Ngunit nakapagtaka Hara bakit ngayon lang nila ipinaalam sa iyo iyan?

ALENA:Iyan din ang sumagi sa aking isipan Hara Durye kung bakit,hindi nila agad sinabi ito sa umpisa pa lang,pinagtataka ko bakit ito nangyayari.

MEMFES:Pwede na man nating itanong sa tunkod ni Nunong Imaw para malaman natin,di ba Nuno?

NUNONG IMAW:Oo naman Rehav,aking mahiwagang tungkod ng balintataw ipakita mo sa amin ang pangyayari noong nakaraang tatlong araw!(Nagsimula ng magliwanag ang kanyang tungkod ngunit wala silang makita)

NUNONG IMAW:Poltre nga kamahalan ngunit tila wala akong makita.

YBRAHIM:Ayos lang Nuno,di ba nangyari din ito dati sa pamumuno mo Mahal?

AMIHAN:Oo,at si Adhara ang salarin ng bumalik siya dito galing balaak ngunit imposible namang isang Ivtre galing balaak ang maging salarin ulit na hawak na Emre at Cassiopea ang susi sa balaak.

PIRENA:Hindi kaya isang sugo na nangaling sa panig nila Agatha na kanilang inutusan para mangbiktima ng mga Enkantado?

AZULAN:Pwede ring hindi pagkat mayroong pananggalang ang buong kaharian at buong lupain para walang sinumang mga kaanib ng mga kaaway.

PIRENA:Tama ka doon ngunit maari din itong uri ng isang malaking pashnea na ginawang nilang sugo.

AQUIL:Maari din,at ilang araw na nanahimik ang panig nila Agatha pwede rin itong maging taktika nila na sa oras na gagalaw sila hindi natin napapansin.

PAOPAO:Oo,pagkat iyan ang mga galawan ng ating mga kaaway noon palang.

ALENA:Mabuti pang simula na nating paimbistigahan ang mga nagaganap.

PIRENA:Tutulong ang Hathoria Hara.

MEMFES:Pati ang Adamya.

YBRAHIM:Isama niyo na rin ang Sapiro.

DANAYA:Bilang Hara Durye tutulong kami ni Aquil

ALENA:Avisala eshma sa inyong tulong Hara,Rama,Hara Durye at Rehav.

Nagsimula na nga mag-imbistiga ang mga pinuno sa bawat kaharian kasama ng kanilang mga Mashna at Kawal..

GENERAL'S PROVERBS

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें