UNANG HAKBANG SA KASAMAAN

286 6 0
                                    

SA ELEMENTIA SA KAHARIAN NG HADES

LUCIO'S PROVERBS

Nandito ako sa hapag kasama ang aking heneral habang kumakain kami ay naramdaman ko na may paparating.

LUCIO:Kung sino ka man ay magpakita ka kung ayaw mong mapaslang!

ETHER:Huminahon ka Lucio ako lang ito!

MARCELO:Siya na bang sinabi mong bagong kakampi Panginoon?

LUCIO:Oo Marcelo siya na nga Ether ang kanyang ngalan.

MARCELO:Nagagalak akong makilala ka Bathaluman!

ETHER:Ganon din ako Marcelo,naparito ako pagkat kailangan ko ng inyong tulong.

LUCIO:Anong klaseng tulong Bathaluman?

ETHER:Kailangan ko ng lagusan o susi upang makalabas ng Encantadia nang saganon ay masimulan na natin ang ating unang hakbang.

MARCELO:Ang ibig mo bang sabihin nais mong magtungo sa mundo ng mga mortal?

ETHER:Oo.

LUCIO:Sa pagkakaalam ko ay may lagusan dito patungo sa mundo ng mga tao ngunit bago mabuksan ito ay kailangan natin ng susi para tayo makalabas.

ETHER:Saan natin makukuha ang susing iyon?

MARCELO:Sa kaharian ng Lahar pagkat nasa pangangalaga ito ni Otis at ang kakambal naman ng susi ay nasa kaharian ng Aqua sa pangangala ni Tarique.

ETHER:Kung ganon ay tayo na magtungo doon pagkat nakita ko na magandang pagkakataon ito dahil wala ang kanilang mga pinuno.

LUCIO:Kung wala sila sa kanilang kaharian ay saan sila nagtungo?

ETHER:Sa mundo ng mga tao kung saan ang mga diwata.

MARCELO:Kung ganon ay tayo na.

SA KAHARIAN NG LAHAR

Nagtungo na nga kami sa kaharian ni Otis hindi nga nagkamali si Ether tamang-tama ang dating namin doon ang tanging nangangalaga lang sa kanyang palasyo ay ang kanyang Heneral at mga kawal.

KAWAL 1:Mga kaaway!

Kagaya ng aming inaasahan ay pinalibutan kami ng mga hayop na Kawal Laharian.

LUCIO:Huminahon kayo hindi kami nagtungo dito upang manggulo!

HENERAL LAHARIAN:Kung ganon ay bakit kayo narito?!

ETHER:Pagkat nais naming makuha ang dapat naming makuha!

At nilusob namin sila kahit tatlo lang kami ay natatumba namin agad ang mga kawal pagkat meron kaming kasamang Bathaluman pagkatapos ay nagtungo kami sa silid ni Otis at nakuha namin ang susi at bumalik na sa aking kaharian

Ngayon na nakuha ko na ang susi humanda kayo ngayon mga Elementian at mga Diwata!😈😈(Sambit ko sa isipan)

SA ENCANTADIA SA KAHARIAN NG NIYEBE

AGATHA'S PROVERBS

Nasa trono ako ngayon kasama ang aking mga Mashna naghihintay sa aming Bathaluman.

GURNA:Mahal na Hara sigurado ba ang Bathaluman sa pagkampi diyan kay Lucio?

AGATHA:Bakit Gurna wala ka bang tiwala kay Ether?

GURNA:Hindi naman sa walang tiwala ang akin lang ay...

ANDORA:Nababasa ko ano ang nasa iyong isipan...iniisip mo na baka traydorin tayo ni Lucio tama?

AGATHA:Kung magtaksil man sa atin ang Luciong iyan ay alam niya na kung ano ang mangyayari sa kanya.

CRISELDA:Tama ka doon Hara at natitiyak ko na ang Bathaluman mismo ang papaslang sa kanya.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now