PAGPUKSA SA MGA HALIMAW

204 6 0
                                    

SA ELEMENTIA KAHARIAN NG AQUA

GENERAL'S PROVERBS

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula noong nakasagupa ng mga Hari at Reyna mga halimaw sa Silangan at Kanluran ng Elementia marami man ang napaslang sa mga ito ngunit nadagdagan na naman ang bilang pagkat may mga itlog na nagawa pang mabuhay sa kabila ng pagamit nila ng kapangyarihan kaya nag-isip ang apat na Hari ng ibang paraan kung paano puksain ang mga halimaw na sumakop sa kalahati ng kanilang mundo sa kabila ng mga araw na lumipas ay isa pa ring misteryo kung saan nanggaling ang mga ito o kung sino ang nagpadala sa kanila.

LIAM:Naisip ko paano kaya kung hihingi tayo ng tulong sa mga diwata.

OTIS:Magandang ideya iyan kamahalan natitiyak ko na mayroon silang mas mainam na paraan kung paano mapuksa ang halimaw.

TARIQUE:Kung ganon ay ipahanda ko na ang sasakyang panghimpapawid nang saganon ay makapunta na tayo sa Encantadia.

LUCAS:Sige at maghanda na rin tayo.

FAST FORWARD

SA ENCANTADIA KAHARIAN NG LIREO

Nang makarating ang apat na Hari sa Lireo ay sinalubong agad sila ng dalawang Mashna na si Muros at si Hitano bumati ang mha Mashna saka bumati naman sila pabalik

MUROS:Mga Rama,anong sadya niyo na napadalaw kayo dito sa Lireo?

OTIS:Naparito kami upang kausapin si Hara Minea.

HITANO:Ganon ba sige, samahan ko na po kayo papasok.

Pagpasok ng apat na Rama ay nadatnan nila ang Hara na nakaupo sa kanyang trono.

HITANO:Mahal na Hara nais kayong makausap ng mga Rama.

MINEA:Avisala eshma mga Rama!

MGA RAMA:Mahal na Hara! (Pagbigay pugay nila dito)

MINEA:Avisala!(Saka bumaba sa trono)

HITANO:Maiwan ko na kayo,Hara mga Rama

MINEA:Sige Mashna,maiwan niyo muna kami mga kawal mga dama anong maitutulong ko sa inyo mga Rama?

TARIQUE:Nagtungo kami dito pagkat kailangan namin ang inyong tulong upang mapuksa ang mga halimaw na sumakop sa kalahati ng aming mundo.

MINEA:Kailan pa ito nangyari?

LUCAS:Mga ilang linggo na ang nakalipas Hara ginawan na namin ng paraan para maubos katulad ng aming kapangyarihan ang mga ito ngunit muling dumami ang kanilang bilang.

MINEA:Bukod sa inyong kapangyarihan anong paraan pa ang ginamit niyo?

LUCAS:Ginamit namin ang aming sandata ngunit di pa rin tumalab,sa katunayan Hara hindi basta-basta ang  mga nilalang na ito pagkat matalas ang kanilang pakiramdam at napakaliksi.

MINEA:Saan naman nanggagaling ang mga nilalang na ito?

LIAM:Sinisiyasat pa namin iyan Hara hanggang ngayon ay nanatili pa ring misteryo kung saan ito nanggagaling.

MINEA:Naunawaan ko Rama sa ngayon ay mag-isip muna tayo ng ibang paraan para mapuksa ang mga halimaw iyan.

Ilang segundo lang ay nakarinig sila ng pamilyar na boses na nagsalita.

NUNONG IMAW:Subukan mong gamitin ang iyong Septre Hara upang puksain ang mga ito at pabasbasan ito kay Emre.

TARIQUE:Mainam na paraan iyan Nuno natitiyak ko na magiging mabisang paraan iyan.

MINEA:Avisala eshma Nuno kung ganon man ay magtungo muna ako sa Kamara ng mga Brilyante upang kunin ang Septre.

OTIS:Sige Hara.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα