KABANATA XXXVIII:TAGISAN SA PAKIKIPAGLABAN

224 7 0
                                    

C.M.V.D CORP.

EMRE'S PROVERBS

Sa timog bahagi ng gusali ay kasama ko sina Otis at Keva saka isang batalyon ng mga Kawal Laharian andito kami naghihintay sa mga kalaban sa di kalayuan ay nakita na namin ang mga pangunahing pain ni Ether.

EMRE:Magsihanda na tayong lahat pagkat papalapit na ang mga kalaban pangunahing pain lang ang mga ito ngunit natitiyak ko na makakaya natin ito!

OTIS:Tama si Emre at sa laban na ito hindi lang ang ating lahi o lahi ng mga taga Encantadia ang ating ipagtanggol kundi ang lahi rin ng mga mortal!

KEVA:Gagawin natin ang ating makakaya upang daigin ang mga kalaban mahaba man ang magiging laban natin ngayon gaya ng sinabi ni Otis na kaya natin ito!

SA SILANGANG BAHAGI NG GUSALI

AMELIA'S PROVERBS

Kasama namin ng asawa ko ang isang batalyong Kawal aquan sabi na nga ba mga bagong alagad ni Ether hindi nga nagkakamali ang mga diwata sa kanilang sapantaha ngunit natitiyak ko na mas malakas ang mga susunod na kalaban kaya kailangan na namin ihanda ang aming mga sarili.

TARIQUE:Sigurado ako na ang susunod na mga kalaban na dadating ang may mga kasama ng mga halimaw.

AMELIA:Ganon na nga ngunit sa ngayon ay uubusin muna natin ang mga pangunahing pain.

SA HILAGANG BAHAGI NG GUSALI

JACINTHA'S PROVERBS

Sa ilang minuto naming paghihintay ay dumating na ang mga kalaban batid ko sa isa lang ito sa patibong nila Ether at natitiyak ko hindi pa ito ang totoong laban tapos natitiyak ko rin na sa oras na susugod sila ay mas malalakas na kawal ang kanilang mga kasama.

JACINTHA:Tandaan niyo sa laban na ito ay hindi lang natin pinagtanggol ang ating mundo pinanggol din natin ang mundong ating kinatatayuan!

LIAM:Kung meron man sa atin ang magbuwis ng buhay ay hindi ito magiging balewala ito ay bigyang karangalan ngunit umaasa ako na walang magbuwis ng buhay sa ating hanay, kung ganon pa man ay maghanda na tayo!

MGA KAWAL CELESTIAN:Masusunod kamahalan!

AVA'S PROVERBS

Batid kong hindi pa ito ang totoong laban pagkat may pasabog na gagawin sina Ether upang manalo sa laban na ito at gagawin namin ang lahat pigilan sila sa kanilang nais sakupin ang mundong aming kinatatayuan.

AVA:Hindi magiging madali ang ating laban ngunit sama-sama tayo sa digmaang ito di man ito ang huli nating laban ngunit malalagpasan din natin kung ano man ang mga pagsubok na darating!

LUCAS:Alam ko na hindi tayo pababayaan ng nakakataas na Bathala natitiyak ko na gagabayan niya tayo sa digmaang ito kaya maghanda na tayo!

MGA KAWAL NARANIAN:Masusunod kamahalan

GENERAL'S PROVERBS

Habang naghahanda ang mga diwata ay naghanda na rin ng mga kalaban upang sugurin ang hanay ng mga diwata at mga elementian ang kanilang mga sandatang kanilang dala dala ng mga alagad ay hindi mga ispada o sibat kundi mga baril. Ngunit hindi rin pahuhuli ang mga diwata pagkat ang kanilang mga sandata ay mas matibay at mas moderno at ito ay baril galing sa Hathoria at Lahar tapos ang gayak na ginagamit ng mga kawal ay hindi basta-basta matitibag ng kahit na anong sandata pagkat ito ay gawa ginto at mira.

Batid ng mga bagong alagad ni Ether na mayroong labanan na magaganap  inaasahan ng mga ito na ang makakaharap pala nila ay ang mga diwata ngunit napansin ng ilan sa kanila na parang ginagawa silang mga pain kaya sinabihan ng mga ito ang kanilang mga kasama na umatras nalang kaysa magbuwis ng buhay.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now