KASUNDUAN

144 0 0
                                    

ENCANTADIA KAHARIAN NG NATHANIEL

LIRA'S PROVERBS

Ngayong nabawi namin ang Hathoria at hanggang ngayon ay mahina pa rin ang mga kalaban may posibilidad na gagawa sila ng hakbang upang maghiganti o kaya makipagkasundo kung makipagkasundo man sila ay hihilingin ko ang tatlong pang kaharian na inangkin nila.

Nasa silid tanggapan ako ngayon binabasa ang mga kalatas ng lumapit si Muros sa aking kinaroroonan.

MUROS:Agape ave, mahal na Hara ngunit may panauhin tayong hindi natin inaasahan nasa labas ng palasyo.

Pashnea paano nila nalaman ang aming kinaroroonan na may basbas ito ni Emre at Cassiopea? tanong ko sa isipan.

LIRA:Sige susunod ako Muros.

Saka nag-ivictus ako patungo sa labas ng palasyo pagdating ko doon ay nakita ako ang mga Mashna at mga kawal na nakatutok pa rin ang kanilang mga sandata nila Ether.

LIRA:Pakibaba ng inyong mga sandata!

BERTO:Ngunit Hara pa bigla nalang tayong atakihin!

LIRA:Magtiwala lang kayo sa akin tsong.

Saka binaba ng mga Mashna at mga kawal ang kanilang sandata.

RAVANA:Avisala Hara Lira!

Magsasalita sana akong ngunit may narinig akong mga nag-ivictus sa bandang likuran ko.

ADAMUS:Kay lakas ng loob niyong magtungo dito pagkatapos ng ginawa niyo sa aming mga magulang!

DASHA:Andito ba kayo para gumawa ulit ng panibagong gulo?!

AGATHA:Ganyan ba kayong tumanggap ng mga panauhin?!

LIRA:Sheda!tama na iyan!ano bang sadya niyo dito?

RAVANA:Andito kami para makipagkasundo,batid ko na nais niyo rin ng kapayapaan nais sana namin na itigil muna ang ating hidwaan.

Tumawa ako ng mapakla sabay sabing..

LIRA:Itigil ang hidwaan dahil nanghihina na ang inyong mga alagad?,ipitigil ko ang digmaan kung ibibigay niyo ang aking mga hiling.

ETHER:Ano ang iyong mga nais mo Hara?

LIRA:Ang nais ko lang ay isauli niyo sa amin ang mga kahariang inangkin ninyo kung maari ay umalis na kayo ng Encantadia nang saganon ay makipagkasundo ako sa inyo.

ETHER:Mabibigay namin ang iyong hiling na isauli namin sa inyo ang tatlong kaharian ngunit hindi kami maaring umalis dito sa Encantadia.

LIRA:Kung di niyo nais na umalis dito sa Encantadia ay huwag na huwag kayong gumawa ng gulo sa oras na mabalitaan ko na may mga Encantadong masasawi ng dahil sa inyo ay batid niyo man siguro kung ano ang mangyayari di ba?

LUCIO:Oo,kaya hinding-hindi kami gagawa ng kahit na anong kaguluhan.

LIRA:Mabuti naman,na nagkasundo na tayo sa tingin ko ay wala na tayong mag-usapan pa.

LUCIO:Oo wala na tayong pag-usapan pa,kaya mauna na kami sa inyo.(Saka sila nag-ivictus)

At bumalik din kami sa loob ng palasyo saka dumeretso sa silid pulungan

DASHA'S PROVERBS

Nasa silid pulungan kami ngayon nagtataka ako kung bakit kay daling binigay nila ang tatlong kaharian na hiningi na aming hara,may kutob ako may gagawin ang mga kalaban na hindi namin alam saka nagtataka ako kung bakit nila nahanap ang Nathaniel na may basbas ito ni Emre at Cassiopea upang hindi ito mahanap ng mga kalaban.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now