KIROT SA DIBDIB

321 7 2
                                    

ALENA'S PROVERBS

Nakabalik na kami sa Encantadia at nagtungo sa Lumang Etheria tamang-tama ang dating namin doon pagkat walang nagbabantay maisagawa na din namin ang aming nais na harangan ang lagusan ni Ether.

ALENA:Susi na pinagkaloob ng Devas sinasamo kita na sirain mo ang enerhiyang bumabalot sa lagusan na ito at palitan ng pananggalang ng saganon ay maharangan ang lagusan upang walang kahit sino o kahit anong nilalang na nasa panig ni Ether na makalabas pa ng encantadia kung magtangka sa kanila ay bawian mo nang hininga!

Lumiwanag naman ang susi.

DANAYA:At inutusan ko ang aking brilyante na pagtibayin mo ang pananggalang na ito na walang kahit anong sandata na galing sa encantadia o labas ng encantadia na makakasira nito.

Agad naman itong sinunod ng brilyante dahil diyan ay napanatag na din ang aming loob pagkat nalutas din ang isa naming suliranin kaya bumalik na kami ng Lireo.

FAST FORWARD SA KAHARIAN NG LIREO

Pagdating namin doon ay nakita ko si Mira na karga ng kanyang Ama na duguan at tinulungan naman siya ng ilang kawal upang madala na siya sa kanyang silid.

ALENA:Mahabaging Emre anong nangyari sa kanya!

AZULAN:Sinaksak ni Angelo ang anak ko!

PIRENA:Mamaya nalang tayo mag-usap tungkol diyan pagkat dadalhin lang namin siya sa kanyang silid.

Tumango lamang ako at nag-ivictus na sila patungo sa silid ni Mira at sinundan naman sila ni Danaya upang magamot niya na ang aming hadia.

MEMFES:Sana ay magiging maayos ang kanyang kalagayan.

ALENA:Malakas si Mira Mahal kaya kakayanin niya iyan.

YBRAHIM:Nagtataka ako na bakit nagawang saktan ni Angelo ang ating pamangkin sa pagkakaalam ko na may pagtingin siya kay Mira.

AMIHAN:Iyan nga din ang pinagtataka ko,Di ba anak kayo ang nakikipaglaban kay Angelo ano ba talaga ang nangyayari?

LIRA:Noong hindi pa namin alam na si Angelo pala ang kalaban kanina siyempre kailangan namin siyang labanan nang dahil sa suntok ni Mira ay natanggal ang takip sa kanyang mukha laking gulat namin na siya lang pala ang kinalaban namin.

PAOPAO:Nang sinabi ni Mira ang kanyang pangalan sabi ni Angelo hindi niya kami nakikilala pero pagkalipas ng ilang sandali ay lumapit si Angelo kay Mira at nagpanggap na naalala na niya kami pagkatapos ay sinaksak niya ito.

AQUIL:Malakas ang kutob ko na may kinalaman si Ether sa pagkawala ng ala-ala ni Angelo.

ALENA:Posible nga iyong mangyari pagkat isa siyang bathaluman.

Sa sandali ng aming pag-uusap ay naramdaman namin na nag-ivictus si Yna sa aming harapan at binati siya namin lahat pagkatapos ay bumati naman ito pabalik.

MINEA:Avisala eshma kay Emre na nakabalik kayo ng ligtas,siya nga pala nasaan sina Pirena at Danaya?

LIRA:Nasa silid po ni Mira ila kasama nina Ashti Pirena at Danaya at Aldo Azulan para pagalingin siya.

MINEA:Bakit ano ba ang nangyari kay  Mira?

ALENA:Sinaksak po siya ni Angelo Yna.

MINEA:Mahabaging Emre!sana'y maging maayos agad ang kanyang kalagayan.

PAOPAO:Malakas po si Mira Hara makakaya niya iyan.

FAST FORWARD..

GENERAL'S PROVERBS

Sa ilang oras ng pagkakatulog ay nagising na ang Diwani ng Hathoria at ang una niyang nakita ay ang kanyang mga magulang na nakaupo sa upuan sa gilid ng kanyang kama.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now