KABANATA LIV

182 3 0
                                    

ENCANTADIA KAHARIAN NG NATHANIEL

GENERAL'S PROVERBS

Kararating lang ng nila Mira mula sa opisina at narinig nila agad ang bulungan nga Encantado na nawawala ang kanilang mga magulang hindi nakatiis si Mira kaya lumapit siya sa dalawang encantadang nag-uusap at nauna ng pumasok si Angelo kasama ang mga batang Sangre.

MIRA:Poltre hindi ko nais magambala ang inyong pag-uusap ngunit totoo ba na nawawala ang aming magulang?

DIWATA 1:Opo Mahal na Sangre sa katunayan ay kaninang tanghali pa sila nawawala sa katunayan nga po ay sinubukan na ng Hara na hanapin kayo kasama ng mga kawal nalibot na nila ang buong Encantadia ngunit hindi pa rin nila nahanap ang mga Hara at Rama.

DIWATA 2:Pati nga rin po kami ay nag-aalala na rin baka may nangyaring hindi maganda sa mga magulang niyo.

MIRA:Avisala eshma sa impormasyon.

Sa loob ng palasyo ay pinaalis muna ng Hara ng mga Diwata ang mga kawal at dama ng nakapaligid sa punong pagkat kakausapin niya ang mga batang Sangre at Rehav ng Devas tungkol sa pagkawala ng apat na Hara at Rama.

CASSANDRA:Yna ano bang nangyari bakit ang daming sa kawal sa loob ng palasyo kanina?

LIRA:Madaming kawal sa loob ng palasyo sapagkat nawawala sina Yna.

ALANA:Ano po?! paano nangyari iyon sinong dumukot sa kanila?naghahanap na ba ang mga kawal?
(Sunod-sunod na tanong ng Diwani)

Magsasalita pa sana si Lira ng may narinig silang pamilyar na boses na nagsalita.

MIRA:May kinausap akong dalawang diwata kanina ang sabi nila ay sinubukang hanapin ng mga kawal at ng Hara sina Yna nalibot na nila ang buong Encantadia ngunit wala silang nahanap.

LIRA:Tama si Mira sinubukan namin silang hanapin ngunit nabigo kami kaya poltre.

DASHA:Wala ka pong dapat ihingi ng tawad Ate Hara sapagkat ginawa niyo po ang lahat upang hanapin sila Yna.

ADAMUS:Naunawaan po namin kayo,kung wala po sila sa Encantadia may posibilidad po na nandoon sila sa mundo ng mga tao.

MIRA:May posibilidad nga iyon,ikaw Angelo may nakikita ka ba kung saan sila Yna.

ANGELO:Ang nakikita ko lang ay nagtungo ang mga Hara at Rama sa kuta ng mga mandirigma nakipaglaban sa mga alagad kay Ravana at kay Ravana pagkatapos ay wala na akong nakikitang mga ibang kaganapan.

PAOPAO:Kung ganon ay maaring si Ravana ang kumuha sa mga Hara at Rama tapos tinago niya sila na kung saan hindi natin sila makikita.

LIRA:Kung si Ravana man ang kumuha sa kanila ay kailangan pagplanuhan nating mabuti kung paano tayo makakapasok sa Lireo.

SA KAHARIAN NG LIREO

Kasalukuyan nag-iisip si Ravana ng paraan na hindi na mahahanap ang apat ng Hara at apat na Rama ng biglang dumating si Agatha sa kanyang harapan.

AGATHA:Avisala Bathaluman!

RAVANA:Avisala Agatha!

AGATHA:Narinig ko ang usap-usapan na nawawala ang magkakapatid na Sangre at ang kanilang mga asawa,totoo ba iyon?

RAVANA:Oo sapagkat ako mismo ang nagtapon sa kanila palabas ng Encantadia at di na makakabalik pa.

AGATHA:Mabuti naman kung ganon,ngunit Bathaluman kung sa mundo ng mga tao lang ninyo sila tinapon ay malaki ang tsansa na mahahanap pa rin sila nila Lira.

RAVANA:Alam ko at naisipan ko na ng paraan iyon.

AGATHA:Anong paraan ang naiisip mo Bathaluman? maari ko bang malaman?

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now