PAGKAWALA NG MGA MAKAPANGYARIHANG SANDATA

782 4 4
                                    

SA KASALUKUYAN

KAHARIAN NG ETHERIA

ETHER'S PROVERBS

Ngayon na nakuha na namin ang mga makapangyarihang sandata ng tatlong kaharian may higit na kaming lakas at kapangyarihan upang labanan ang mga diwata sa parating na digmaan natitiyak ko na nagkakagulo na ngayon ang mga diwata at sila mismo ang lalapit dito upang kunin ang mga ito nasa punong bulwagan kami  ngayon ni Ravana hinihintay ang pagbabalik ni Agatha at Lucio.

ETHER :Higit na mas makapangyarihan tayo ngayon kaysa mga diwata at natitiyak ko na wala na sila laban sa atin.

RAVANA:Huwag kang maging kampante Ether sapagkat nasa kanila pa ang mga brilyante na makakapaslang sa atin kailangan natin ito makuha nang saganon ay mawalan na ng kapangyarihan ang mga ashtading diwata.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na si Agatha at Lucio na parang may magandang balitang dala.

ETHER:Avisala Lucio,Agatha batid ko na may nais kayong sabihin.

LUCIO:Oo Bathaluman mukhang napaniwala na namin ang mga diwata na nakikiisa na kami sa kanila.

ETHER:Mainam kung ganon.

AGATHA:Kagaya ng inaasahan namin ay nagdududa pa rin sila, ngunit naniniwala ako na mabibilog din namin ni Lucio ang kanilang mga ulo.

RAVANA:Kung ganon man ay gawin niyo ang lahat upang mawala ang kanilang pagdududa nang saganon ay magiging madali ang ating hakbang na gagawin laban sa kanila.

KAHARIAN NG LIREO

GENERAL'S PROVERBS

Kasalukuyang nag-uusap sa silid pulungan ang mga kasalukuyang pinuno ng Encantadia tungkol sa kaguluhang naganap at kung saan galing ang mga kubor na gumugulo sa kanila.

PAOPAO:Natitiyak ko na sila Ether ay may kagagawan nito.

LIRA:Iyon nga ang pinagusapan namin ni Mira kanina,ngunit ang pinagtataka ko lang ay kung bakit nila tayo tinulungan at nang magtanong ako sa kanila ang tanging sagot lang ni Lucio ay tanda iyon ng pagkakaisa nila ni Agatha.

ALANA:Huwag tayong maniwala diyan Hara sapagkat may posibilidad na pain lang nila iyon na mapaniwala tayo na nakakaisa nila tayo.

MIRA:Tama si Alana kung kakagatin natin ang pain ay mapapahamak tayong lahat.

PAOPAO:Iyon din ang nasa aking isipan na maaring pain nila iyon at akala siguro nila na mapaniwala nila tayo.

VANESSA:Tama at batid nating lahat na hindi nila kayang pagtaksilan ang kanilang nga Bathaluman at batid din natin na tapat sila sa mga ito.

LIRA:May punto ka Vanessa.

ANGELO:Poltre Hara,Rehav,mga Diwani kailangan na nating magmadali sapagkat nakikita ko na nawawala at mga makapangyarihang sandata at sina Ether ang kumuha.

DASHA:Tanakreshna!sinamantala talaga nila ang pagkakataon na habang abala tayo sa pakikipaglaban ay saka naman sila nagnakaw!

ADAMUS:Mga viller natitiyak ko na gagamitin ang mga iyon laban sa atin kaya kailangan na magtungo sa Etheria!

EMMANUEL:Tama kailangan mabawi natin ito sa lalong madaling panahon bago pa ito magamit laban sa atin!

LIRA:Kami nalang nila Paopao ang mag tungo doon.

CASSANDRA:Kami na nila Alana Yna pinapangako namin na hindi kami mapapahamak at mag-iingat kami.

LIRA:Sige at ibibigay ko sa iyo ang aking basbas na naway magtagumpay kayo sa inyong layunin.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now