KABANATA VIII:ANG PAGHAHANDA SA TAGLAMIG

751 13 3
                                    

GENERAL'S PROVERBS

Napagdesisyonan nila Aquil na bumalik na sa palasyo pagkat sapat na ang impormasyon na kanilang nakuha sa kanilang pagmamanman ang malapit na ring magdilim.Nang makarating na sila sa palasyo bumalik na sa kanilang mga gawain ang dalawang Mashna na si Hitano at Muros nakita niya agad ang kanyang ibang mag-anak na tumutulong sa paghahanda nang mga gamit na ipamigay sa buong Adamya at Lireo kinabukasan pagkat ito ang unang dalawang bayan na maapektuhan nang taglamig.Agad niyang nakita si Danaya nilapitan niya ito.

AQUIL:Avisala Mahal!(Sabay yakap at halik kay Danaya)

DANAYA:Avisala Eshma kay Emre na nakabalik kayo nang ligtas,nasaan ang dalawang Mashna?

PAOPAO:Bumalik na po sa kanilang gawain Ate Danaya.

DANAYA:Ganon ba,magpahinga muna kayo pagkat alam ko na kayo'y pagod sa inyong paglalakbay.

AQUIL:Avisala eshma mahal,ngunit ayos pa ang aking pakiramdam wala na man akong ibang gagawin ngayon kaya tutulong nalang ako sa paghahanda nang mga gamit pagkatapos namin mag ulat ni Paopao.

PAOPAO:Ako din po tutulong na rin,si Hara Alena?

DANAYA:Katutungo pa niya sa punong bulwagan.

AQUIL:Puntahan ko na lang siya doon mauna nalang kayo nina Amihan sa silid pulongan.

Tumango lang si Danaya at pinuntahan niya ang kanyang ibang mga kapatid sabay na silang nag ivictus patungo sa silid pulongan..

SA SILID PULONGAN..

ALENA:Bilang Hara nang Lireo sisimulan na ang pagpupulong na ito,Aquil anong impormasyon ang iyong nakuha sa inyong pagmamanman?

AQUIL:Wala na mang kakaiba doon,sadyang nakapakatahimik nang paligid nang palasyo ni isang kawal wala.

PAOPAO:Nang pinasok namin ang palasyo merong mga gamit ngunit parang walang nakatirang ni isang enkantado doon.

AZULAN:Hindi karaniwan sa isang kaharian na walang ni isang kawal,at ang sabi mo kanina merong mga kagamitan nang pinasok ninyo ang palasyo?Hindi maaring walang nakatira doon maaring nakamasid lang sila sa paligid.

AQUIL:Yan din ang pagtataka ko kanina rama.

PIRENA:Sana'y mali ang aking kutob,hindi kaya ito bagong sinyales nang isang bagong panganib?hindi pa kami nagtungo doon ngunit may nararamdaman na ako na hindi maganda,Alam nating na palaging merong maiisip na patibong upang tayo'y lansihin.

MEMFES:Yan din ang nasa isip ko Hara Pirena,baka gusto nilang isipin natin na hindi banta ang pagsulpot nang kaharian na iyon pero ang totoo nagpapalakas lang pala ang kaaway at naghihintay lang nang tamang panahon.

ALENA:Sumsangayon ako sa inyo doon,maari itong maging banta ngunit maaring hindi.

YBRAHIM:Ang iyong ibig sabihin ay maari silang hindi kaaway,pero hindi natin iyon malalaman kung di tayo magtungo doon,ganon ba iyon?

AMIHAN:Ganon na nga iyon Rama Ybrahim,sa tingin ko hindi na ito makahihintay nang tatlong araw kailangan nating magtungo agad doon.

DANAYA:Sumasangayon ako kay Amihan,Kailangan na rin ito malaman nag buong encantadia.

ALENA:Kaya magtungo na tayo doon kinabukan maliban sa mga Rama,Rehav,at Mashna durye.

AQUIL:Ang ibig niyong sabihin kayo lang ang pupunta doon kasama sina Mira't Lira at Paopao?

DANAYA:Hindi sila makakasama mahal kami lang magkakapatid ang mangtungo doon.

PAOPAO:Tama si Ate Danaya pagkat tutulong kami bukas sa pamimigay nang mga gamit

PIRENA:Huwag kayong mag-alala makakaasa kayo walang ni isa sa amin ang mapapahamak.

AQUIL:Sabagay may tiwala naman kami sa inyong kakayahan.

PIRENA:Avisala Eshma sa inyong tiwala Mashna Durye.

AZULAN:Bukas kami nalang nina Ybrahim sasama nina Mira sa pamimigay nang gamit sa buong Adamya at Lireo.

ALENA:Kaya bukas ang magtungo sa buong Adamya ay sina Memfes,Azulan,Ybrahim,at Aquil samantalang sina Mira,Lira,at Paopao ay dito Lireo

YBRAHIM:Masusunod Hara.

ALENA:At sa sumunod na araw ang ang buong Hathoria at Sapiro naman.

MEMFES:Kami nalang nina Rama Azulan,Mashna Durye,at Rama Ybrahim ang magtungo sa Hathoria.

AQUIL:Kung yan ang iyong nais Rehav.

PAOPAO:Kami namin nila Mira't Lira sa Sapiro.

DANAYA:Kaya kailangan natin gumising nang maaga.

PIRENA:Sabihan ko na rin ang aking mga Mashna na ikalat ang balita sa buong Encantadia

YBRAHIM:Tutulong ang Sapiro.

ALENA:Ganon na rin ang Lireo.

MEMFES:Kasama na rin ang Adamya nang mapadali ang pagkalat nang balita.

Hindi nila napansin na kanina pa sumulpot sina Mira't Lira sapagkat abala sila sa kanilang pagpupulong napalingon silang lahat nang biglang may nagsalita

LIRA:Hindi kaya mapanganib doon?

AMIHAN:Kanina pa kayo diyan anak?

LIRA:Oo Nay ngunit hindi muna namin kayo inabala dahil busy kayo.

AMIHAN:Ganon ba,paumanhin dahil hindi namin kayo napansin agad.

LIRA:Okay lang po iyon.

PIRENA:Sa katanungan mo Lira,saka namin malalaman na mapanganib doon o hindi kinabukasan.

MIRA:Basta mag-iingat kayo Yna at mga Ashti,dahil hindi ko kakayanin na may mapahamak kahit isang miyembro ng ating pamilya.

LIRA:Lalong lalo na ako at hindi ko kakayanin na mawala ulit si Nanay.

Sabay tumayo ang kanilang mga Yna sa kanilang mga upoan upang lapitan ang kanilang mga anak.Hinawakan ni Pirena ang magkabilang kamay ni Mira.

PIRENA:Pinapangako ko Anak na mag-iingat kami at babantayan namin ang isa't-isa.

AMIHAN:Tama si Pirena hangga't buo tayo walang mapapahamak kahit sino sa atin.(At inakbayan niya si Lira)

MIRA:Sige po panghahawakan namin yan ha,di ba bes?

LIRA:Oo naman.

ALENA:Bakit naman nandirito ang aking mga hadia?

LIRA:Handa na po kasi ang pagkain at  nagugutom na rin ako.

MIRA:Ako din kaya kain na po tayo..

DANAYA:Kaya pala...Hara tapos na ba ang ating pagpupulong?

ALENA:Oo kaya tinapos ko na ang pagpupulong na ito.

Nagsilabasan na sila sa silid pulongan upang maghapunan,pagkalipas nang ilang sandali ay nauna nang umuwi sina Amihan sa Sapiro,napagdesisyonan naman ni Memfes na bumalik na sa Adamya,at bumalik na rin sina Pirena sa Hathoria.

THIRD PERSON'S PROVERBS

Nandito na ako sa aking silid umiinom nang alak nag-iisip kung ano kaya ang susunod na hakbang nang mga diwata pagkatapos nilang magmanman ngunit sa susunod na papasok sila dito hindi ko hahayaan na makakalabas pa sila nang buhay.

May kutob akong papasukin nang mga anak ni Minea ang aking kaharian ano mang oras kaya kailangan ko nang maghanda.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon