Prologue

5.9K 64 5
                                    

"Hoy! Ako ah! Wag ako! Nabubwiset na ako sayo! Palitan mo nga tong damit ko na dinumihan mo dahil diyan sa pagda-drive mo! Jusko, wala pa nga akong trabaho stress na agad ako. Alam mo bang ito nalang ang nag-iisang damit na matino na pag-mamay-ari ko? Wala akong pakialam kung superstar ka ah, hindi mo ako fan kaya wala akong paki sayo!" Sigaw ni Yumi sa harap ni Yeonjun na ngayon ay bored lang na nakatingin sa kaniya.

"Miss, kung hindi ka ba naman kasi tatanga-tanga, hindi ka madudumihan. Hindi naman kasi yan ang daanan ng mga tao para dumaan," Sabi naman ni Yeonjun habang nakanguso sa daanan na dinadaanan niya. "Pwera nalang kung hindi ka tao." Dagdag pa nito na halatang inaasar siya.

"Aba't—"

"Hindi pa ako tapos." Pagpapatigil ni Yeonjun sa kaniya. "At isa pa, sigurado ka bang matino yang damit mo? E parang mas maganda pa ngang tignan ang mga damit ng maid sa bahay ko kaysa sa suot mo e. Kung nadumihan man yan, wag kang mag-alala, hindi naman halata, mukha naman kasing basura yan." Pang-iinsulto pa nito sa kaniya.

Napanganga naman siya at hindi makapaniwala sa pinakitang ugali ng binata sa kaniya.

"Ang kapal ng mukha mong insultuhin ako... E IKAW NA NGA ITONG MAY KASALANAN TAPOS PARANG SINISISI MO PA SA AKIN! Grabe, paano ka nakapasok sa showbiz industry nang ganiyan ang ugali mo? Napakasama mo!" Inis na sigaw ni Yumi sa kaniya.

Hindi nalang siya pinansin ni Yeonjun dahil sanay naman itong sinasabihan siya ng ganon. Inirapan niya nalang ang dalaga saka isinarado ang bintana ng kotse niya.

"Hoy! Huwag mo ngang—" Hindi niya na narinig ang sinasabi ng dalaga mula sa labas dahil tuluyan nang nagsara ang bintana ng kotse niya.

"Whatever." Yun lang ang sinabi niya saka pinaharurot ang sasakyan paalis.

Habang si Yumi naman ay kulang nalang ay umiyak dahil sa itsura niya ngayon. Ang dumi-dumi ng suot niya, puti pa man din yon na binudburan niya pa ng chlorine at binabad sa downy.

Ang kapal ng mukha niyang tawaging basura to!

"Sana madapa kang punyemas ka!" Sigaw niya saka napapadyak nalang.

Ngayon, siguradong hindi na siya makakapasok sa ano mang trabaho dahil sa itsura niya, daig niya pa ang pulubi.

"Ineng oh, tanggapin mo." Nagulat siya nang may lumitaw na matanda sa harap niya saka may nilagay sa kamay niya.

Pagtingin niya doon, nagtaka siya nang makakita doon ng bente pesos.

"Huh? Pero hindi po ako..." Hindi na niya naituloy ang dapat na sasabihin niya nang mawala na ang matanda sa harap niya. "...pulubi."

×××

Yes po, dito na po nagsisimula ang story ni Choi Yeonjun.


Edited: okay, so I wrote this when I was 14... i think. and it has a lot of typo-grammatical errors and my ass' too lazy to fix that. i'll edit it one day when i feel like it hshs

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now