MS-23

797 22 1
                                    

•••

Pagkadating nila sa isang hotel sa tagaytay ay nag-check in agad silang dalawa doon, tago pa din ang mukha nila siyempre.

Mainit pa din ang ulo ni Kaze pero si Yeonjun naman ay nae-excite dahil sa wakas, pagkatapos ng ilang taon ay makukuha na niya ang kapatid niya sa hayop niyang ama. Pero alam niyang hindi  magiging madali yon kaya kailangan niyang makapag-isip ng plano.

Nakahiga sila ngayon sa sarili nilang kama, pang-dalawahang tao kasi ang kinuha nilang suite dahil hindi kumportable si Kaze na mag-isa. Natatakot kasi siya na baka daw may multong humila nalang sa kaniya ng basta.

“Sinabi mo na ba kay Yumi na isang linggo tayo dito?” Pambasag ni Kaze sa katahimikan.

Tinanggal ni Yeonjun ang kumot na nakatakip sa kaniya. Gusto niyang matulog pero at the same time, ayaw niya. Gusto niya dahil napagod siya sa limang oras na biyahe at ayaw niya naman dahil alam niyang hindi siya magkakaroon ng magandang tulog. Wala naman sa tabi niya si Yumi kaya imposibleng maging maayos ang tulog niya.

“Yeah.” Pabuntong hininga niyang sabi.

“What did she say?”

“She will miss me.” Nang-maalala ang yakapan nila ni Yumi ay awtomatikong napangiti siya.

Napatakip siya ng unan sa mukha nang maramdamang nag-iinit ang pisngi tsaka tenga niya.

Fuck! Why am I blushing?! Stop blushing, Yeonjun! Are you gay?!

Pagtanggal niya ng unan sa mukha niya ay sumalubong sa kaniya ang mukha ni Kaze kaya muntik na niya itong masapak sa gulat.

“Shit, Kaze! Get out of my face!” Sigaw niya dito.

“Sus, kinikilig ka lang e.” Pang-aasar nito sa kaniya.

“I'm not!” Tanggi niya kahit halata naman.

“Tologo bo?” Sinundot nito ang pisngi niya pati tenga. “E bakit namumula yang pisngi saka tenga mo? Ikaw ah, umamin ka nga, may nangyari na ba sa inyo ni Yumi?” Tanong nito sa kaniya habang pinanliliitan siya ng mata.

Napaiwas siya ng tingin saka hindi nakasagot. Sobrang bilis kasi ng tibok ng puso niya at nararamdaman niyang bahagyang nanginginig ang kamay niya kaya hindi siya makaimik.

“So meron nga?!” Sigaw ni Kaze. “Tsanggala, Yeonjun! Hindi pa kayo kasal—”

“We just kissed! We don't do anything more than that! Hindi namin gagawin ang iniisip ng malibog mong utak. Kakanuod mo yan ng porn e!” Pagputol niya sa sasabihin ng kaibigan.

“E ikaw nga, nakikipag-halikan kay Yumi kahit hindi pa naman kayo! Ikaw ang mas malandi sa ating dalawa, dahil ako, nanonood lang, ikaw, ginagawa na!” Giit naman ni Kaze.

Natahimik naman siya dahil sa sinabi ng kaibigan. Wala talaga siyang laban dito sa ganitong usapan, lagi itong may dahilan at katwiran sa ano mang bagay na pinagtatalunan nila kahit pa maliit na bagay lang yon.

Inirapan niya muna ang kaibigan bago magsalita ulit.

“Kaze, sa pagkakaalam ko ay mas mataas naman ang IQ ko kumpara sayo, pero bakit hindi ako manalo-nalo sa pangangatwiran sayo?” Si Yeonjun habang nakatingin sa kaibigan na nakahiga na sa kama nito at naglalaro ng cellphone.

“Ewan ko din e. Pero siguro, gumaling ako sa pangangatwiran because, remember? Nag-law ako noon ng one year dahil yun talaga ang pangarap ko maliban sa pagiging artista, pero hindi ako nakapasa dahil nga mahina ang utak ko.” Sabi ni Kaze sa kaniya habang hindi pa din inaalis ang tingin sa phone.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now