MS-29

741 20 0
                                    

•••

“Kuya, ayoko ngang sumama sayo sa Manila. Ang kulit mo naman e, ang init-init kaya doon tapos palaging traffic. Isa pa, I don't have any friend there, I don't have a life there. Duh!” Pag-iinarte ni Innah kay Yeonjun at umirap pa.

“Innah, ipagpapatuloy mo ang pag-aaral mo sa Manila since nahinto ka dahil sa katigasan ng ulo mo. And I'm promising you, no bodyguards around you.” Si Yeonjun na ngumiti ng bahagya sa kapatid.

“Really, kuya?! But, magiging safe ba ako doon if I have no bodyguards?”

Tumango naman siya.

“Yeah. Si Kaze na ang bahala sa grupo na humahabol sayo.”

“Kaze? Kaze Frimo?” Gulat na tanong ni Innah sa kaniya.

“Uhm, yeah?” Patanong niyang sagot at napatakip nalang siya ng tenga nang bugkang tumili ang kapatid niya.

“Kyaaah! OMG! Where is he?! Where is he?! Can I see him?! Please tell me, kuya!” Nilapitan pa siya nito saka niyugyog ang balikat niya na parang bata.

“Damn, Innah! Get off me!” Tinanggal niya ang mga kamay nito sa balikat niya. “Nagkamali talaga ako ng desisyon sa manatili pa dito ng isa pang araw.” Bulong niya habang minamasahe ang balikat na nasaktan dahil sa diin ng pagkakahawak ni Innah doon.

“Inii-spoil mo kasi masiyado yang kapatid mo kaya nagka-ganiyan.” Natatawang sambit ng Dad niya habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Napairap naman siya dahil sa sinabi nito. “She's my only sibling and she's the only remembrance of Mom.”

“So, you're spoiling me just because of that?” Napalingon siyang muli sa kapatid nang magsalita ito.

Masama ang pagkakatingin nito sa kaniya at bahagya pang nakanguso ang labi nito.

“And of course, I love my little sister so much.” Bawi niya dito.

Napairap naman si Innah saka nag-iwas ng tingin kahit halata namang nagpipigil ito ng ngiti.

“Hmp!”

“Son, anong pwedeng gawin ni Kaze para mawala na yung grupo na humahabol kay Innah?” Tanong ng Dad niya.

Si Innah naman ay bumalik muna sa upuan niya saka nagpatuloy sa pagkain habang nakikinig.

“Ang pamilya po ni Kaze ay pamilya ng politiko, abogado at mga police. So I'm sure, his family can help us about this problem.”

“Pero, anak, matagal na naming isunuplong sa mga pulis ang grupong humahabol sa kapatid mo pero wala pa ding nangyayari. Malakas ang kapit nila sa pulisya.” Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata mg Daddy niya.

“Don't worry, Dad. Let me handle this, ako naman ang kikilos ngayon, okay?” Pag-papagaan ng loob niya dito.

Bumuntong hininga naman ang Dad niya para pakalmahin ang sarili pero hindi pa din nawawala ang pag-aalala sa mga mata nito.

“Anyway, Dad, sigurado ka bang maiiwan ka lang dito mag-isa? Hindi ba magiging delikado yon para sa inyo? Sumama na lang po kayo sa amin.” Bahagya pa siyang tumingin kay Innah.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now