MS-10

897 29 0
                                    

•••

Hindi nagawa ni Yeonjun ang magsalita dahil sa gulat. Hindi niya akalaing babalik pa si Yumi sa unit niya at gusto ulit nitong maging personal assistant niya. Bakit pa ito bumalik? Akala niya hindi na siya gustong makita nito dahil sa ginawa niya?

Buong gabing hindi pinatulog ng konsensiya si Yeonjun dahil sa ginawa niya, kapag pumipikit siya, wala siyang ibang nakikita kundi ang mga mata ng dalaga na puno ng luha. Gusto niyang uminom ng sleeping pills kaso pinagbawalan na siya ng doktor dahil sa problema niya sa kalusugan.

Hindi naman talaga niya gusto ang ginawa niya kahapon, kaya lang, nang makita ang pagkain na yon ay dumagsa na naman ang masasamang alaala sa utak niya kaya hindi niya na nakontrol ang sarili. Hindi niya naman talaga gustong gawin yon kaso nadala siya ng bugso ng damdamin niya.

“A-Are you still mad at me?” Napapikit siya nang mautal.

Darn it. Why am I stuttering?

“Hindi naman ako babalik dito kung oo.” Ani ni Yumi kaya napadilat siya saka napatitig sa mukha ng dalaga na ngayon ay nakangiti ng matamis sa kaniya.

“But you said yesterday that you don't want to see me anymore, you even tell me that you don't want to be my personal assistant.” Napayuko si Yeonjun dahil doon.

“Ayaw mo ba?”

“Ayaw na alin?” Tabong pabalik ni Yeonjun nang hindi maintindihan ang ibig-sabihin ni Yumi.

“Ayaw mo akong maging personal assistant, kasi kung ayaw mo, pwede naman akong umalis—”

“No! Yes, yes, you can be my personal assistant again.” Pagputol ni Yeonjun sa sasabihin dapat ni Yumi. Hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti.

Napangiti naman si Yumi dahil sa sinabi nito. Nagmumukhang batang paslit si Yeonjun ngayon na parang ayaw paalisin ang magulang dahil sa itsura nito. Pero inalis niya ang ngiti sa labi niya saka nag-seryoso.

“Basta, boss...”

“Yes?”

“Wag mo nang uulitin yung ginawa mo sa akin kahapon ah? Masiyado akong nasaktan. Masakit kaya, alam mo ba yon? Gustong-gusto na kitang tadyakan kahapon kaso nakakatakot naman kasi yung mga fan mo kapag nalaman nilang binigyan kita ng pasa.” Natatawang sabi ni Yumi saka bahagya pang sinuntok ito sa braso.

Si Yeonjun naman ay natatawang tumango nalang din.

“Yeah, promise and... I-I'm sorry.”

Tumango naman si Yumi saka binigyan ito ng assurance na ngiti.

“Okay na yun. Basta, hayaan mo akong pasayahin ka ha?” Tanong ni Yumi sa kaniya.

Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ng dalaga, hindi niya ito maintindihan.

What does she mean?

Mukhang nahalata naman ni Yumi ang pagkalito sa mukha niya kaya agad niyang binawi ang sinabi niya.

“A-Ah, wag mo nalang intindihin yon. Hehe. Naalog lang yata ng malakas ang ulo ko kanina.” Palusot niya.

Mukhang hindi pa kasi nito alam kung ano ang ibig niyang sabihin kaya binawi niya nalang. Mas maganda na din yun para magawa niya ang plano niya ng walang iisiping iba si Yeonjun.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now