MS-31

758 26 0
                                    

YUMI CHUA

Lumunok muna ako bago dahan-dahang naglakad papalapit kayla ate na nasa harap ngayon ng bahay. Kahit nanginginig ang mga tuhod ko, pinipilit ko pa ding ihakbang ang mga paa ko.

Dahan-dahan akong naglalakad at hindi inaalintana ang pagtitig sa akin ni Yeonjun. Jusme naman, ito pa naman ang una naming pagkikita pagkatapos ng isang linggo tapos ganito pa. Isang masamang tingin agad ang sasalubong niya sa akin.

Napanguso nalang ako dahil sa kaisipan na yon. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya, ramdam na ramdam ko pa din ang paninitig niya sa akin. Bakit ba ganiyan siya kung makatitig? Sa pagkaka-alam ko wala naman akong ibang nagawang masama sa kaniya.

Paglapit ko, sinalubong ko ng pilit na ngiti si ate. Agad niya naman akong tinanong kung bakit ko kasama si Patrick na ex ko.

“Nag-usap lang kaming dalawa.” Sagot ko naman na ikina-kunot ng noo niya.

“At nag-usap naman tungkol saan aber?” Tinaasan niya pa ako ng kilay saka nagpa-meywang pa. “Hoy, Yumi! Wag mong sabihin nag-usap kayong dalawa dahil gusto niyong mag-balikan? May pahatid-hatid pa siyang nalalaman sayo at nag-pinky swear pa kayong dalawa. At kung maka-ngiti ka pa akala mo naman walang ginawang katarantaduhan sayo yung lalaking yon.” Sermon niya sa akin.

“Ate, bakit ba ganiyan ka mag-salita kay Patrick? Mabait naman siya e.” Pagtatanggol ko.

Lalong tumaas ang kilay niya at pinaniliitan pa ako ng tingin. “At nakuha mo pa siyang ipagtanggol? Baka nakakalimutan mo kung ano ang ginawa niya sayo noon? Siya ang dahilan kung bakit ka nag-hihirap ngayon.”

Napa-buntong hininga naman ako. “Hindi ko naman nakakalimutan yon.” Pag-iwas ko ng tingin sa kaniya.

“E ano ngang pinag-usapan ninyo?”

“Binigyan—”

“Tania, I need to go. Baka hinahanap na ako ni Innah.” Putol ni Yeonjun sa dapat na sasabihin ko. Napalingon ako sa kaniya dahil doon at sandaling nagtama ang mga mata namin, pagkatapos non, kay ate na niya ibinaling ang pansin.

Innah?

“Ay, di ba hinahanap mo si Yumi? Hindi ba kayo mag-uusap?” Tanong ni ate sa kaniya. Bahagyang umiling si Yeonjun.

“No, I just want to see her.” Kumabog ng malakas ang puso ko dahil doon. “For you.” Binigay niya kay ate ang isang bugkos ng tulips na hawak-hawak niya.

Para namang may kumirot sa puso ko dahil doon. Akala ko... akala ko para sa akin ang bulaklak na yon. Umasa ako.

“Para saan naman to?” Takang tanong ni ate saka tinanggap ang bulaklak.

Namulsa naman si Yeonjun saka ngumiti pero hindi yon umabot sa mga mata niyang hindi mo makikitaan ng kahit anong emosyon.

“Welcome back, Tania. Welcome back, manager.” Aniya.

Napangiti naman si ate dahil doon. “Ikaw talaga. Thank you, alaga ko.” Tinapik siya ni ate sa braso. “Nga pala, kamusta naman si Yumi bilang PA mo?”

Nag-tama ang mga mata namin dahil doon. Tinignan niya ako na parang wala lang ako sa kaniya. Bakit nga ba nasasaktan ako? Wala lang naman talaga ako para sa kaniya e, isang dating PA niya lang naman ako. Hindi ko nga alam kung tinuturing niya ba akong kaibigan.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now