MS-1

2.2K 50 4
                                    

CHOI YEONJUN

"Cut!" Sigaw ni Director. "Good job, Yeonjun! Okay, magbihis ka na pwede ka nang umuwi." Sabi niya sa akin habang naka-thumbs up.

Hindi nalang ako umimik at dumiretso na sa dressing room pero hindi pa ako nakakapunta doon nang harangin na ako ni Samantha. Siya ang partner ko sa drama na ginagawa namin.

"Uuwi ka na?" Tanong niya sa kin habang kumukurap-kurap ang mga mata.

"Paano ako makaka-uwi kung nakaharang ka sa daan ko?" Bawi kong tanong sa kaniya.

"Gusto mo bang manuod ng movie kasama ako?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Gusto kong manuod ng movie," Sabi ko na ikinaningning ng mga mata niyang kulay brown dahil sa contact lens na suot niya.

"So—"

"Pero ayokong kasama ka." Dagdag ko na ikinaawang ng labi niya. "So, excuse me, gusto ko nang magpalit at umuwi."

Napahiyang tumabi naman siya sa daan ko. Pumasok na ako sa loob ng dressing room saka nagbihis ng damit. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na agad ako, nakasalubong ko pa ang manager ko na si Tania.

"Ingat, Yeonj." Nakangiting baling niya sa akin.

"Thanks." Binigyan ko siya ng maliit na ngiti.

Dumiretso na ako sa parking lot at sumakay na agad sa kotse ko. Gusto ko nang magpahinga, gutom, pagod at antok na antok na ako.

Mabilis akong nagdadrive papunta sa condo ko ng mag-red ang stop light kaya napahinto ako. Napairap nalang ako. Kinuha ko ang phone sa bulsa ko ng maramdamang nag-vibrate yon.

From: Kaze

Yow nguso! Nandito na ako sa kweba mo.

Napairap nalang ako ng mabasa na namang ang tawag niya sa aking nguso.

To: Kaze

Hintayin mo ako, gago!

Yun lang ang sinabi ko saka itinago nang muli ang phone sa bulsa ko. Napahikab nalang ako sa antok na nararamdaman ko ngayon, bwiset, buong araw akong walang pahinga man lang o tulog.

Napadukdok nalang ako sa manibela. Bakit ko nga ba naisip na mag-artista? Ahh... Para nga pala magkapera at magkaroon ng kapangyarihan para mahanap ang kapatid kong si Innah.

3 taon na akong may pera at kapangyarihan pero ni-isang impormasyon, wala akong nalalaman. Napapagod na ako sa lahat, sa trabaho, sa buhay, sa mga tao sa paligid ko, kahit sa sarili ko.

Pero kailangan kong mabuhay, kailangan ko pang tuparin ang pangakong binitawan ko kay Mama nang mamatay siya, kailangan kong mahanap si Innah na dinala ng hayop kong ama sa ibang lugar.

Kailangan ko siyang kunin dahil alam kong hindi siya inaalagaan ni Papa kung nasaan man sila. Hayop siya, bakit ba kasi hindi pa siya namatay noong nabangga ang kotse niya.

Nyeta.

*Tok*Tok*Tok*

Napaangat ako ng tingin nang marinig ang isang malakas na katok galing sa bintana ng kotse ko. Napairap nalang ako saka pinabayaan ko, sigurado akong isa na naman yon sa mga pesteng reporters na kinukulit ako.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now