MS-21

847 35 3
                                    

YUMI CHUA

"Boss..." Naibulong ko nalang habang nakatingin sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin pero hindi umabot yon sa mga mata niya.

"It's okay, atleast, you don't have to took care of me anymore. Hindi ka na rin mahihirapan as my PA and manager. But one thing is for sure, I will miss you, Yumi." Aniya habang titig na titig sa mga mata ko.

Nginitian ko naman siya pabalik pabalik at naramdaman kong nag-init ang sulok ng mga mata ko. May sarili namang utak ang mga paa ko at naglakad papunta sa kaniya, niyakap ko siya na agad niya namang sinuklian.

"Boss, mamimiss din kita." Sabi ko sa kaniya at hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap sa kaniya.

"Yeah."

Mamimiss ko talaga tong si boss, kahit mag-iisang buwan pa lang kaming magkakilala. Kahit, hindi naging maganda ang una naming pagkikita, hindi ko akalaing hahantong kami sa ganito, yung ganito kalapit sa isa't-isa, yung parang magkalapit na mag-kaibigan ang turingan. Nagsimula ang lahat sa putik tapos napunta dito, sa pagiging PA niya.

Pagiging PA ni Mister Superstar.

Akalain niyo yun? Nang dahil sa mabilis niyang pagpapatakbo ng sasakyan ay nagtagpo ang landas naming dalawa.

Sa sandaling panahon, ang kilala ng ibang tao na masungit at arogante na Yeonjun, well, isa ako sa kanila, noong una. Pero napatunayan ko na hindi totoo yung mga nakikita ng iba sa nakikita ko. Na ang pagiging masungit at arogante ng isang Choi Yeonjun ay isang maskara niya lang para itago ang totoong siya na hindi kilala ng iba.

Humiwalay siya sa pagkakayakap at hinawakan ang pisngi ko. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang hinlalaki niya saka ginulo ang buhok.

"It's too early for you to cry, Yumi. May one week pa." Ngumiti siya ng maluwang sa akin.

Lalo naman akong naiyak habang nakatingin sa kaniya; habang nakatitig sa ngiti niya.

"Proud lang ako, boss." Sabi ko habang pinupunasan na parang bata ang luha.

"Proud of what?"

"Nakaka-proud kasi napapangiti kita. Lalo kang gumagwapo, boss, kaya ngiti lang ha?" Pagkasabi ko non, nagulat ako nang humalakhak siya.

"Hahaha! Yeah, you should be proud of yourself 'cause you're always making me smile and laugh like this because of your silliness." Aniya.

"Heh! Kumain ka na nga!" Sabi ko sa kaniya habang nakanguso. "Uuwi na ako, magpapahinga na ako."

Nawala naman ang ngiti niya saka tumango nalang at tinungo ang dining table kung nasaan ang mga pagkain na niluto ko.

"Don't you want to join me to eat before you go home?" Anyaya niya sa akin.

Malungkot naman akong umiling.

"Hindi pwede, sabi ni Jin magpahinga daw ako, huwag masiyadong pagurin ang sarili at magpuyat para hindi ulit ako magkasakit kaya kailangan kong matulog ng maaga para ipahinga ang katawan ko ngayon. Sorry, boss." Paumanhin ko sa kaniya.

"Jin?" Tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Oo, si Jin tsaka si V yung nag-alaga sa akin habang may sakit ako. Bakit? Kilala mo?"

Umiling naman siya.

"No, it's just that... that names seem familiar." Aniya habang napapaisip pero maya-maya din ay humarap ulit siya sa akin. "Nevermind. You can go home now, Yumi. Mag-iingat ka pauwi."

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now