MS-20

862 28 2
                                    

YUMI CHUA

Idinilat ko ang mga mata ko nang maramdamang may yumakap sa akin mula sa likod ko. Hinarap ko kung sino yun at hindi na ako nagulat nang makitang ang boss ko yun. Mahimbing ang pagkakatulog niya habang mahigpit na nakayakap sa akin.

Napadako ang tingin ko sa labi niya at awtomatikong namula ang pisngi ko nang maalala ang nangyaring halikan namin kanina. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Argh! Bakit ba ang tanga mo Yumi?! Bakit ka nakipag-halikan sa boss mo?! Akala ko ba ang trabaho ay trabaho lang?! Hindi tama yang ginawa niyo!

Sigaw ko sa isip ko pero iba ang sinasabi ng puso. Sinasabi niya na tama lang ang nangyari sa pagitan naming dalawa, na okay lang yun dahil may nararam— binulyawan ko ang puso ko.

Hindi! Mali!

Nakakainis naman! Nababaliw na ako dahil sa halik na yon. Napapikit nalang ako saka dahan-dahang inialis ang braso ni Yeonjun na nakapalibot sa bewang ko. Nandito kami ngayon sa kwarto niya, pinakausapan niya kasi ako na samahan siya, wala naman sa usapan naming tabihan ko siya mismo sa kama pero nagpaubaya lang ako. Bakit ba ako nagkakaganito dahil sa kaniya?

At siguro, totoo nga yung sinabi niya na kapag katabi niya ako ay hindi siya dinadalaw ng masamang panaginip dahil nang magkatabi kanina ay wala namang nangyari sa kaniya. Oo, kumbinsido na ako sa sinabi niya pero hindi ko pa din maiwasang magtaka. Bakit naman kaya nawawala ang masasamang panaginip niya dahil sa akin? Ano yun, may sumpa ba siya?

Tumayo na ako sa kama ng dahan-dahan at inayos muna ang kumot niya bago ako tuluyang lumabas ng kwarto niya. Paglabas ko, madilim na ang paligid, mukhang naging masiyadong mahaba ang naging tulog namin.

Binuksan ko ang ilaw sa buong unit saka dumiretso sa kusina, magluluto muna ako ng hapunan ni Yeonjun bago ako umalis at umuwi.

Habang nagluluto, para akong tangang natatawa dahil naalala ko kanina ang sinabi ni Yeonjun nang tanungin ko siya tungkol doon sa mga pictures. Ang sabi niya ay galing daw yun sa private investigator na binayaran niya para hanapin ako, na-touch ako dahil sa ginawa niya. Siyempre, na-feel kong mahalaga ako sa kaniya, sino ba namang hindi matutuwa kapag ganon? Pero sinabi ko sa kaniyang hindi niya na kailangang mag-hire ng private investigator para lang mahanap ako. Ang sabi niya naman, gagawin niya ang lahat para lang mahanap ako. Natawa nalang ako dahil sa pagiging OA niya.

Natapos na ako sa pagluluto ng hapunan niya at gigisingin na sana si Yeonjun nang biglang mag-ring ang phone ko. Nakita ko doon ang pangalan ni ate kaya agad ko yung sinagot. Ilang araw na din noong huli namin pag-uusap, ano na kayang nagyayari sa buhay niya?

“Hello?” Sagot ko.

“Yumiiii!” Sigaw niya kaya bahagya kong inilayo ang phone sa tenga ko. Jusmiyo, may balak ba siyang gawin akong bingi?

“Ano ba yon, ate?! Mabibingi ako sayo e.”

“Kambal, pakiramdam ko buntis ako.” Diretsang sagot niya kaya ako naman ang napasigaw.

“Ano kamo?! Buntis ka?!”

“Bingi lang, Yumi? Oo nga, pakiramdam ko buntis na naman ako.”

“Anong pakiramdam?”

“Kasi, binibigyan ako ng sign ni Lord. Una, nagsusuka ako, pangalawa, lagi akong nahihilo, pangatlo, lagi akong nagke-crave sa pinya at pang-huli, naaadik ako sa amoy ng kili-kili ng asawa ko. Yumi, hindi naman ako ganon, ayoko sa pinya lalong-lalo naman sa amoy ng kili-kili ni Terrol. Mukhang magiging tita ka nanaman ulit, kambal.” Aniya at kahit malayo siya, alam kong nakangiti siya ngayon.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now