MS-28

745 21 0
                                    

YUMI CHUA

“Yumi! May naghahanap sayo!” Rinig ko ang sigaw ni ate mula sa labas.

Kahapon lang siya nakauwi dito sa Manila galing sa probinsiya namin. Amg blooming niya nga e, siguro dahil naka-isa muna si kuya Terrol sa kaniya bago umuwi. Asus, tapos buntis pa siya. Oo, nakumpirma ko na noong nakaraan pa. Jusme, ang bilis nila ah. Isang buwan lang siya doon tapos buntis kaagad.

“Sino daw?!” Sigaw ko pabalik.

“Lumabas ka kaya para makita mo di ba?!”

“Oo na!” Inis akong tumayo mula sa pagkakahiga saka lumabas ng kwarto.

Sino ba naman kasi itong nambubulabog ng magandang umaga ko? Ang aga-aga e. Siguraduhin talaga nitong tao na to na mahalaga yang kailangan niya kundi, makakatikim to sa akin.

Nakita ko si ate na papasok sa kwarto niya pero bago niya isarado ang pintuan ay inirapan niya muna ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay saka nagdire-diretso na sa main door. Tignan mo tong si ate, hindi man lang pinagbuksan.

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng sumbrelo na kulay dilaw. May hawak itong papel at ballpen. Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti.

“Good morning, Ma'am.” Bati niya sa akin habang may matamis na ngiting nakapaskil sa labi niya. Akala niya naman cute siya.

“Good morning.” Binigyan ko naman siya ng plastic na ngiti. “Ano pong kailangan niyo?”

“Ah, Ma'am, papapirmahan ko lang po ito sa inyo.” Aniya saka binigay sa akin yung papel at ballpen na hawak niya. Nagtataka ko namang kinuha yon.

“Para saan naman to, kuya?”

“Sorry po, Ma'am, sabi po ni sir wag ko daw sabihin sa inyo.” Kamot-batok na sabi niya.

“At sinong sir naman yan, ha? Kilala ko ba siya?”

“Ma'am, ayaw niya din po ipa-sabi e. Basta daw po, papirmahan ko lang yan sa inyo saka puntahan niyo daw po yung address na nakasulat diyan.” Tinuro niya pa yung papel na ibinigay niya sa akin.

Binasa ko naman ang nandodoon. Bukod sa space na pipirmahan ko nga, wala nang ibang nandodoon kundi ang isang note na nakalagay ang address na dapat kong puntahan.

“Paano kung ayokong pirmahan?” Tanong ko sa kaniya.

“Ma'am, kailangan niyo pong pirmahan kundi ako po ang malalagot kay sir.”

“Sino ba kasi talaga yang sir na sinasabi mo? Sige na, sabihin mo na. Promise, hindi ko sasabihin sa kaniya na sinabi mo sa akin.” Pang-uuto ko sa kaniya habang nakataas ang kanang kamay.

Umiling-iling naman siya, ako naman ay naiinis na ibinagsak ang kanang kamay ko. “Sisipain na kita e.” Inis na sabi ko sa kaniya.

“Ma'am, wag po. Pirmahan niyo na lang po yan para malaman niyo kung sino si sir. Kapag kasi sinabi ko sa inyo malalagay sa peligro yung buhay ko e.”

“Wala man lang bang clue para malaman ko kung sino siya?” Hirit ko pa.

Mukhang naiinis naman na siya kaya napakamot siya sa ulo niya. Bumuntong hininga muna siya bago mag-salitang muli. “Sige na nga, bibigyan ko na kayo ng clue.” Napipilitang sabi niya.

Nagliwanag naman ang mukha ko saka napangiti. “Ano, ano?”

Inilapit niya ang mukha sa tenga ko saka doon ibinulong. “Gwapo siya, Ma'am.” Aniya na ikinalaki ng mga mata ko.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now