MS-16

870 33 3
                                    

YUMI CHUA

“Hoy boss! Mag-almusal ka na, magagalit na naman si Direk sa atin nito! Kesyo daw napaka-wala kong kwentang assistant dahil lagi kang late. E ikaw naman kasi—”

“Shut up, Yumi. You don't need to shout.” Aniya habang naglalakad papunta dito sa akin.

“Haays! Bilisan mo na nga kumain ka na. Ayokong masermunan, lagi ko nalang ina-almusal ang sermon ni Direk dahil sayo—”

“Okay! Okay! Just... just shut up, it's annoying.” Masungit niyang sambit saka umupo na at nag-sandok ng pagkain.

Ako naman ay umirap muna bago umupo sa harapan niya. Nakakainis na kasi, noong nakaraang araw nabatukan ako ni Direk. Kahapon naman nasigawan. Tapos, naalala ko pa, nakaraang linggo kinutusan niya ako. Baka mamaya, ma-tadyakan niya na ako. Nakakainis naman kasi tong si Yeonjun, anong oras na kung magising, ako ang napipirwisyo e.

Sumandok na ako ng pagkain ko saka sunod-sunod na sumubo. Kailangang magmadali, bawal bababagal-bagal— ay punyemas! Nagagaya ko na si Direk!

Isa pa yon, ang tanda-tanda na, kung makasigaw akala mo napakalayo ko sa kaniya. Bakit kaya hindi niya pagalitan si Yeonjun?! E siya nga yung nagpapa-late sa amin e. Jusmiyo.

Tatlong linggo na ako dito pero wala pang araw na hindi sumasakit ang ulo ko. Una si Yeonjun, ang tigas-tigas ng ulo. Minsan kasi ayaw niyang mag-shooting kaya gumagawa pa ako ng paraan para lang mapapunta siya dahil ako ang malalagot. Napaka-tamad niya kasi! Ni-ultimo selpon niya ako magcha-charge, nyemas siya. At isa pa yang si Kaze! Akala mo hindi superstar kung umakto! Napaka-kalat na tao na kahit nasa tabi na niya ang basurahan, itatapon niya pa din kung saan-saan yung mga basura niya.

Oo, nakapag-move on na ako sa kaniya. Akala niyo ba hindi ko magagawa? Mga baliw, madali lang kaya— oo na! Hindi na madali! It took me one week to move on. Bilis di ba? Well, ganon ako e. Siguro infatuated lang ako sa kaniya kaya ganon ko lang mabilis na naalis sa sistema ko yung nararamdaman ko sa kaniya. Although, medyo mahirap, nakaya ko naman. Bakit kaya yung author hindi magawa?

At pang huli, ang linta ng buhay ni Yeonjun, si Samantha. Araw-araw kasi nandito siya, I mean, halos lang pala. Halos dito na nga siya tumira kung pupunta siya dito. Kung makautos siya sa akin akala mo naman siya yung nagpapasahod sa akin, duh! Sarap niyang tirisin. Kung makayapos din siya kay boss akala mo talaga matsing tas si boss yung saging.

Ang landi niya, guys. Seryoso.

Ang sarap niyang painumin ng lagundi, pano ba naman kasi, daig niya pa pokpok sa sobrang landi.

Hah! Mas malaki naman boobs ko sa kaniya. De joke lang.

Nakita ko siyang humikab kaya napatingin ako sa kaniya. Lumalaki lalo ang itim sa ilalim ng mga mata niya. Napabutong hininga nalang ako saka tinanong siya.

“Binangungot ka na naman ba?” Tanong ko sa kaniya.

“As always.” Balewalang sambit niya saka ininom yung kape niya.

Lagi kasi siyang binabangungot, sabi niya. Mabuti na nga lang ay kapag natutulog siya ay nasa paligid lang ako para ginigising ko siya kaya lang, ang problema, hindi siya nakakatulog ng maayos. Kulang na kulang na ang tulog niya. Naaawa na nga ako sa kaniya kaso, wala naman akong magagawa para matulungan siya.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now