MS-19

847 32 3
                                    

YUMI CHUA

Dinilat ko ang mga mata ko at sumalubong sa aking kulay gray na kisame. Teka, ibig sabihin wala ako sa ospital? Hindi naman puti yung kisame e. Salamat naman.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at napahawak nalang ako sa ulo nang kumirot ito. Ang sakit ng ulo ko, kainis.

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto na inuukupa ko. Nakakita ako ng isang book shelf na punong-puno ng libro at meron ding computer dito sa loob. Maganda yung kwarto, malinis, navy blue at gray ang motif, pati na rin itong kama at mga kurtina.

Kaninong kwarto kaya to?

Biglang bumukas ang pintuan kaya napalingon ako doon. Pumasok ang lalaking naka-salamin.

“Teka, ikaw yung lalaki sa harap ng bahay ko ah?” Tanong ko sa kaniya.

Hindi siya nagsalita at dire-diretso lang ang paglalakad papunta sa akin. Sa mga ganitong oras dapat ay natatakot na ako, siyempre, hindi ko siya kilala at nasa kwarto pa ako, baka may gawin siyang masama. Kaso, iba ang nararamdaman ko, walang kaba at takot, paano ba naman ako natatakot sa lalaking nagmumukhang bata at cute sa suot niyang salamin. Sabihin niyo nga?

“Maayos na ba ang pakiramdam mo?” Napasinghap ako sa lalim ng boses niya. Ibang-iba yung boses niya sa itsura niya, yung itsura niya, pambata, yung boses, mas malalim pa sa karagatan ng pacific ocean. Ang lalim e, pero ang sarap sa tenga.

Tumango ako sa kaniya.

“O-Oo.” Sagot ko.

“Mabuti naman. Isa't-kalahating araw ka nang tulog, imposible namang masama pa din ang pakiramdam mo.” Sabi niya na ikina-kunot ng noo ko.

“Isa't-kalahating araw?!” Tumaas ang tono ng boses ko dahil sa gulat.

“Yeah. Kuya Jin took care of you while you are asleep. Ang taas daw kasi ng lagnat mo, tapos nung nahimatay ka, dinala ka nalang namin dito sa bahay. Hind kasi namin mabuksan ang loob ng bahay mo dahil naka-lock.” Aniya.

Napalunok nalang ako saka napakagat ng labi. Patay ako kay boss nito! Isa't-kalahating araw akong wala sa tabi niya, ano na kayang nangyayari doon? Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa inis ko sa sarili, pero agad din akong napatigil sa pagkamot nang makaramdam ako ng gutom.

“Hindi na kita tatanungin kung gutom ka na, obvious naman e. Tara, bumaba na tayo, nagluto si Kuya ng tanghalian. Pagkatapos mong kumain, ihahatid kita pauwi sa inyo.” Sabi niya habang may maliit na ngiti sa labi.

Tumango nalang ako saka tumayo, napansin kong hindi ito yung suot ko nung nakaraan kaya tinanong ko siya.

“Sino ang nagpalit ng damit sa akin?”

“Pinapalitan ka ng damit ni Kuya sa maid namin, kaya, don't worry.” Aniya sabay lakad palabas ng pinto.

Sumunod naman agad ako sa kaniya. Pagkababa namin galing sa 2nd floor, napanganga nalang ako sa laki at ganda ng bahay. Ang ganda na ng kwarto, paano pa kaya to? Sobrang ganda. Halatang yayamanin ang may-ari.

Iginaya ako ng lalaki paupo sa tabi ng isa pang lalaki. Siya yung kasama niya noong nakaupo ako sa harap ng bahay, yung malapad yung balikat. Napaiwas ako ng tingin dahil sa titig niya sa akin, parang hinahalukay niya ang buong pagkatao ko.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now