MS-32

757 22 0
                                    

•••

“Yeonjun, teka, nasasaktan ako!” Sabi ni Yumi kay Yeonjun na ngayon ay galit na galit habang hatak-hatak siya palabas ng bar.

Marahas na binitawan ni Yeonjun ang kamay niya saka tinitigan siya sa mga mata. Hinimas niya ang kamay na pinag-hawakan nito, namumula yon at maya-maya lang ay siguradong magiging pasa na yon.

Pagkatapos ng eksena doon sa loob ng bar, binigyan niya muna ng isang malakas na sipa sa sikmura ang lalaki bago siya hilahin nito palabas ng bar. At hanggang ngayon, namumula pa din ito sa galit.

“Why did you let him kissed you?” Malamig na tanong sa kaniya ni Yeonjun habang matiim siyang tinititigan.

Napalunok siya dahil doon at hindi nagawang sumagot dahil sa kaba at takot. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya saka umiwas ng tingin.

“Why?! Is he a better kisser than me?! Why, Yumi?!” Nagulat siya ng yugyugin nito ang balikat niya saka sinigawan siya.

“H-Hindi ko naman ginusto yon... s-siya lang ang biglang nang-halik sa akin.” Aniya saka napayuko.

May kakaibang emosyon ang dumaan sa mga mata ni Yeonjun pero agad din nawala yon. Hindi na matalim ang paraan ng pagkaka-tingin nito sa kaniya pero hindi pa din humuhupa ang pag-igting ng panga nito.

Nagtaka siya ng bigla itong imiling saka napa-sabunot ng sariling buhok.

“I really hate this feeling. Fuck, what are you doing to me, Yumi?”

“H-Huh?”

“Why are always making me feel this feeling?” Aniya. “Wala namang tayo, hindi ka naman akin. Pero bakit ganito?”

Natikom ni Yumi ang bibig. Walang namutawing salita ang lumabas sa kaniyang bibig dahil sa pag-kabigla sa mga sinabi nito. Hindi niya maintindihan si Yeonjun, naguguluhan din siya sa ipinupunto nito.

“Boss...” Sinubukan niya itong hawakan sa braso pero umiwas lang ito saka nag-lakad palayo.

Sinubukan niya itong habulin kaso masiyado itong mabilis mag-lakad at idagdag mo pa ang pangangatog ng tuhod niya, kaya naging mabagal ang paglakad niya. Hanggang tingin niya na lamang ang binata hanggang sa sumakay ito sa kotse nito at pinaharurot yon paalis.

Pakiramdam niya, libo-libong kutsilyo ang tumarak sa puso niya dahil sa ginawa nito. Pasimple siyang napahawak sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya na nararamdaman niyang unti-unting nadudurog ngayon. Naramdaman niya nalang ang pag-tulo ng isang butil ng luha na tumulo mula sa mata niya.

Bakit pakiramdam ko, tuluyan niya na ako tinalikuran?

Bagsak ang balikat ni Yumi nang maka-uwi siya sa kanila. Walang ganang binuksan niya ang pinto ng kwarto niya at pumasok doon.

“Huh?” Naibulong niya sa sarili at kinuha ang bugkos ng tulips na nasa ibabaw ng kama niya.

Base sa natatandaan niya, yun ang bulaklak na binigay ni Yeonjun sa ate niya. Bakit nasa kwarto niya? Kumunot ang noo niya saka kinuha ang nakitang papel sa tabi nito at binasa.

Para sayo naman pala talaga yan. Baliw talaga yong alaga ko, pinaasa ako, akala ko akin na e. Nga pala, para sayo din ang mga bulaklak na nasa sala.
        
                                                       Ate.

Nabitawan niya ang papel saka napaupo sa kama habang mahigpit na hawak-hawak ang bugkos ng tulips. Tinignan niya ang note na nandodoon at binasa gamit ang namamasang mga mata.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now