MS-18

768 24 0
                                    

YUMI CHUA

“Hoy, Yumi, pwedeng mag-tanong?” Pagkalabit sa akin ni Khariza na nanonood din ngayon sa shooting nina boss at ng alaga niyang si Samantha the made in China.

“Nagtatanong ka na.” Sabi ko sa kaniya. Napakamot naman siya ng ulo.

“Pwedeng magtanong ulit?” Aniya.

“Nagtanong ka na ulit.”

“Ihh! Seryoso kasi!” Nagmaktol pa siya na parang bata.

“Ano ba yon?” Tinaasan ko siya ng kilay.

Pinagdikit niya ang dalawang hintuturo niya na parang batang may kailangang hingin sa magulang bago magtanong.

“Anong ginawa niyo ni Sir. Yeonjun sa kwarto kanina? I mean, sa dressing room? Kasi nakita ko kayong pumasok sa dressing room kanina habang magkahawak ang kamay e.”

Bigla ko namang naalala yung nangyari kanina sa pagitan namin ni Yeonjun, awtomatikong bumilis ang tibok nang puso ko nang maalala ang sinabi niya. Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko dahil doon.

Nakakainis naman kasi si boss e! Kung anu-ano ang pinagsasasabi!

“Oh, bakit namumula yang pisngi mo? Naiinitan ka ba? Hindi naman mainit dito ah, de-eircon naman tong set.” Rinig kong sabi ni Khariza.

Umiling ako. “Hindi ako naiinitan, may naalala lang ako.” Sabi ko saka huminga ng malalim para pahupain ang pagpula ng pisngi ko.

“Ahh, so, ano ngang ginawa niyo ni Sir. Yeonjun sa loob ng dressing room?” Pag-ulit niya sa itinanong niya kanina.

“Alam mo ikaw? Parehas lang kayo ng amo mo e no? Parehas kayong chismosa.” Pagtukoy ko kay Samantha.

Napanguso naman siya dahil sa sinabi ko. “Ang bad mo, parang nagtatanong lang e. Siguro may nangyari sa inyo ni Sir. Yeonjun kaya ayaw mong sabihin.” Sabi niya pa habang may naghihinalang tingin.

Pinanlakihan ko siya ng mata.

“Hoy! Tigil-tigilan mo ako ah! Nakakairita na yang pagiging malisyosa mo.” Sinamaan ko siya ng tingin.

Ngumuso naman siya sa akin saka yumuko nalang. Napapikit naman ako saka napahilot ng sintido nang bigla akong nahilo.

“I'm sorry, madaldal lang kasi talaga ako saka palatanong. Hehe.” Nag-peace sign siya sa akin saka ngumiti na parang bata pero hindi ko nagawang ngumiti pabalik sa kaniya.

“Aalis na muna ako.” Dahan-dahan akong tumayo saka kinuha ang bag ko.

Tinignan ko muna si boss na busy sa pag-arte kasama si Samantha the girl who is made in China na halatang nilalandi na naman siya. Nakakairita, ang sakit sa mata.

Napangiti nalang ako habang nakatingin sa kaniya. Ang galing-galing talaga niyang umarte, kaya maraming nagmamahal sa kaniya e, gwapo pa.

Pero agad ding nawala ang ngiti sa labi ko nang maramdaman kong kumirot na naman ang ulo ko. Bakit ba biglang sumakit tong ulo ko? Wala naman akong masiyadong ginawa, wala naman akong kinain na masama. Nakakainis naman! Jusmiyo!

Imbis na magpaalam kay boss, naisip ko nalang na i-text siya para hindi siya maistorbo sa ginagawa niya. Mababasa niya naman siguro yon mamaya. Kinuha ko ang phone sa bag ko at binuksan yon, kinurap ko muna ng ilang beses ang mga mata ko dahil nanlalabo yon, hilong-hilo ako sa hindi malamang kadahilanan.

Habang nag-lalakad, nagtatype ako ng text para mai-send yon kay boss. Pero pag-ka-tap ko ng send button ay sakto namang nag-text si kumpareng TNT at sinabihan akong wala na daw kong load. Badtrip naman, kung kailan nandito na ako sa labas ng building e.

Inis akong pumadyak saka pinara ang taxi na dumaan sa harap ko. Huminto yun at agad akong sumakay sa loob non, sinabi ko ang address ko kay manong driver na agad niya namang sinunod.

Siguradong pagagalitan ako ni boss nito dahil hindi ako nagpaalam sa kaniya, kaso wala akong choice e, hilong-hilo na ako at wala pa akong load. Isa pa ayoko siyang ma-istorbo dahil alam kong minamadali na siya ni Direk sa pag-arte. Nakakahiya naman kung bigla akong umiksena.

“Ma'am, ayos lang po kayo?” Tanong sa akin ni manong driver habang tinatanaw ako sa salamin.

Tumango nalang ako sa kaniya habang nakapikit at hinihilot ang sintido ko. Kinuha ko ang bag ko at tinignan kung may dala ba akong kahit vics man lang pero agad din akong nanlumo nang makitang wala.

Napasandal nalang ako sa upuan na kinauupuan ko saka napabuntong-hininga. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa pero hindi ko yun kinuha dahil para akong nanghihina.

Kalahating oras na akong nasa loob ng taxi pero nakakapagtaka dahil wala pa ako sa bahay. Bakit para namang masiyadong matagal?

“Kuya? Bakit ang tagal?” Mahina kong tanong kay manong driver.

Nilingon niya ako saka sumagot. “Sorry po, Ma'am, traffic po kasi dahil may nangyaring banggaan diyan sa tulay.”

Tumango nalang ako saka hindi nagsalita. Maya-maya, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa tagal ng biyahe, nagising nalang ako dahil sa boses ni manong driver. Pagdilat ko ng mga mata ko, umatake na naman ang kirot, mas lalo pa ngang lumala kaysa kanina.

Binayaran ko muna si manong driver saka lumabas ng kotse. Medyo malaki ang bayad ko pero hindi ko na yon pinansin, uunahin ko muna tong punyetang hilo ko, jusmiyo.

Nang makapunta ako sa tapat ng bahay, napaupo nalang ako doon habang nakasandal sa pintuan. Hindi ko man lang nabuksan ang pinto dahil sa hilo ko at pagod. Pakiramdam ko magkakaroon ako ng sakit.

Sinubukan kong ituwid ang tuhod ko pero hindi ko magawa dahil nanginginig yon at nanghihina. Napaiyak nalang ako habang hinihilot ang sintido.

Bakit ba biglang sumama ang pakiramdam ko?

“Miss, are you okay?” May narinig ako na malalim na boses sa harapan ko.

Pagdilat ko ng mga mata ko, may nakita akong lalaki na may suot na salamin at sobrang gwapo. Natatakpan ng mukha niya ang araw na mas lalong nakapag-pagwapo sa kaniya. Kung siya na ang anghel na susundo sa akin, willing na willing akong sumama.

Ngumiti ako sa kaniya pero nauwi lang yon sa ngiwi dahil umatake na naman ang pag-sakit ng ulo ko. Pinipilit kong labanan ang pag-dilim ng mga mata ko pero kahit anong gawin kong paglaban, wala pa din akong nagawa. Naramdaman ko nalang ang pagbuhat sa akin ng lalaki bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Short update.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now