MS-7

917 33 13
                                    

•••

Hindi ngayon alam ni Yumi kung ano ang gagawin niya, kung maghuhubad ba siya ng damit at idiretso si Kaze sa kama— siyempre, joke lang!

Pero, ang lakas talaga ng tibok ng puso niya ngayon at ang bibig niya na nakatago sa mga palad niya ay nakanganga. Hindi kasi siya makapaniwala na ang idol niya, ang lalaking pinapangarap niya, ang lalaking laging laman ng pantasiya at panaginip niya ay ngayo'y nasa harap na niya.

Ang gwapo-gwapo pa nito sa suot na leather jacket at nakapaloob doon ang puting v-neck t-shirt na pinartneran nito ng itim na rip jeans at puting sneakers. Ang gwapo din nito sa itim na buhok ay kulay blonde ang ilang hibla nito. Bagay na bagay iyon sa kaniya, lahat! Pati na ang hikaw nito sa kaliwang tenga at ang kwintas nito sa leeg.

Ang pormahan nito ay parang pang-tambay pero iba ang naging dating nang si Kaze ang nagsuot, kahit ganon lang ang suot nito ay pwede na itong rumampa bilang isang model.

Simula nang lumandi— este, teenager si Yumi ay idolo na niya talaga ito, hindi lang dahil sa itsura nito, mabait kasi ito at mapagmahal. Napatunayan niya yun nang mabalitaan niyang nag-do-donate ito ng pera sa mga charity at protective ito sa nakababata nitong kapatid na si Aecy. Maliban sa mukha ni Samantha, pinuno niya din ng mukha nito ang kwarto niya. Ngayon naman na nagpalit na siya ng wallpaper niya ay si Kaze ang napili niya at madami siyang koleksyon ng magazine nito.

Lalong nagningning ang kaniyang mga mata nang balingan siya ng tingin nito at nginitian. Napugto ang hininga niya at parang huminto ang mundo niya dahil sa ngiti nito, ang mga tuhod niya ay biglang nanlambot kaya napahawak siya sa lamesa para doon kumuha ng lakas.

Napakagat siya ng labi na saka napakuyom ang kamao para pigilan ang pagsigaw.

“Bakit parang gulat na gulat ka, Tany?” Aniya nito na napagkamalan siyang ate niya.

Biglang bumagsak ang balikat niya dahil doon. Pati ba naman ito, napagkamalan siyang ate niya. Speaking of ate, sisiguraduhin niyang malalagot ang ate niya dahil hindi nito sinabi sa kaniya na magkakilala pala sila ng man of her dreams.

“Naks naman! Bakit ka nagpakulay ng buhok? Bagay sayo yung blonde pero mas gumanda ka sa brown.” Pagpuri sa kaniya ni Kaze at hinawakan pa ang buhok niya.

Biglang tumayo ang balahibo niya dahil doon at lalong dumiin ang pagkaka-kagat niya sa labi niya hanggang umabot sa punto na dumugo na yon. Nalasahan niya ang lasang kalawang nito na ikinangiwi niya.

“Kaze, she's not Tania. She's Tania's twin, Yumi Chua.” Pag-singit bigla ni Yeonjun.

Napabitaw naman bigla si Kaze sa buhok niya na ikina-dissapoint niya.

“Huh?” Tanong ni Kaze.

Napangiti naman si Yumi dahil sa boses niya na yon na bumagay sa itsura at pagkatao niya. Kahit simpleng Huh lang nito ay kinikilig na agad siya.

“Hindi mo gets? Gusto mong tagalugin ko pa?” Napairap nalang si Yumi dahil sa kasungitan ng boss niya.

“Gets ko, hindi ako slow no. Kung hindi siya si Tania, bakit siya nandito? Nasaan si Tany?” Rinig niyang tanong ni Kaze.

“She's my personal assistant for a while since Tania is on leave.”

“Ahh...” Tumatango-tangong sabi ni Kaze at nagulat nalang si Yumi nang ilapit nito ang mukha nito sa kaniya habang nakangiti. “Grabe, magkamukha talaga kayo ng ate mo, pero mas maganda ka.” Kinindatan pa siya nito na ikinamula niya.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now