MS-37

730 24 2
                                    

YUMI CHUA

“Hello?” Sagot ko.

“Hi, where are you?” Tanong niya kaagad. Nahihimig ko sa boses niya ang kasiyahan at pagka-excite.

“A-Ahm, n-nasa trabaho ko.”

“Trabaho mo? May trabaho ka na?” Tanong niya na parang gulat na gulat.

“Bakit parang gulat na gulat ka? Hindi ka ba makapaniwala na meron na akong trabaho?” Medyo inis kong sambit.

“It's not like that. I didn't expect na ganon ka kabilis nakahanap ng trabaho e, parang noong nakaraang araw lang ay tinatanggihan mo pa ako.” Narinig ko ang marahan niyang pagtawa sa kabilang linya. “I'm happy for you, my queen.”

Napangiti naman ako dahil doon. Kahit hindi naman dapat kakiligan yung sinabi niya, kinikilig pa din ako. Ang lakas kasi ng epekto ng mga salita niya sa akin kaya yung puso ko, kumikerengkeng agad sa kalandian— este, kakiligan.

“Salamat.”

Gusto ko sanang tanungin siya kung naka-uwi na ba siya galing La Union kasi nandito naman na si Yllana, pero malay ko ba kung nauna pala tong lintang to na umuwi. Hindi ko nalang siya tinanong at pinabayaan nalang yon.

Nandito nga pala ako ngayon sa loob ng isang cubicle dito sa cr. Lumayas muna ako sa harap nina Xever at Yllana, nakakahiya naman kung makikita nila akong kiligin sa mga sinasabi ni Yeonjun. Isa pa, naiirita ako sa boses ng Yllana na yun, napaka-arte at ang tining pa. At kung manamit akala mo naman naghihirap sa tela, jusme. Kung mag-donate kaya ako ng bistida para sa kaniyang punyeta siya.

Grr! Hindi ko alam kung bakit iritang-irita ako sa kaniya e, hindi ko pa naman siya kilala. Basta, nakikinig ako sa instinct ko e, unang kita ko palang sa kaniya sa tv hindi na agad maganda ang first impression ko sa kaniya. Ganun ako e, kapag unang kita ko palang may idea na agad ako kung anong klaseng tao siya.

“Anong trabaho mo? Are you an office worker in some company?” Tanong niya sa akin.

Tumango naman ako kahit hindi niya naman nakikita. “Hindi lang office worker, secretary ako ng CEO ng kumpanyang pinapasukan ko.” Pag-mamayabang ko pa sa kaniya.

“Really? That fast?”

“Siyempre, hinire nila agad ako dahil perfect daw ako bilang secretary. Sino ba naman ang aayaw sa akin na maganda, sexy, masipag, mabait, at matiyaga! Halos perfect na ako para tanggihan pa nila no!” Pagmamalaki ko kahit hindi naman talaga ganon ang nangyari.

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. “You're so full of yourself, babe.”

“Bakit? Totoo naman ah?!”

“Yeah, yeah.” Sabi niya nalang na ikina-nguso ko. “What time is your out?” Tanong niya bigla.

“Siguro mga 7:00 pm pa, bakit?”

“Nothing. I'm just want to call you when you got home.”

“Hindi ka pa pagod non?” May bahid ng pag-aalala ang tinig ko. Alam ko kasi na pagod na pagod na siya dahil sa shooting sa mga oras na yun, ilang beses niya na ngang ini-reklamo sa akin yon. Masiyado daw kasing intense yung mga scene na ginagawa niya kaya nakaka-ubos daw talaga ng lakas.

“Kaya nga tatawagan kita e. Gusto kong maka-usap ka kapag pagod ako para bumalik ang lakas ko. Because, you are like an energy drink to me, you're boosting my energy.” Banat niya na ikina-ngiwi ko.

“Yang mga banat mo talaga e no? Saan mo ba natututunan yang mga yan ha?”

“I searched it through google.” Sagot naman niya. Maya-maya ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya. “I really really want to see your smile right now.”

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now