MS-38

751 25 4
                                    

YUMI CHUA

“Kelan ka pa naka-balik? Bakit hindi mo ako sinabihan?” Tanong ko sa kaniya habang hinihiwa ang steak na nasa plato ko. Di ba? Ang sosyal!

“I just got here this afternoon and I didn't want you to know because I was planning to surprise you.” Ngumiti pa siya sa akin. “Are you surprised?”

Ngumiti ako pabalik sa kaniya saka tumango. “Thanks nga pala.”

“You are always welcome.” Kinindatan pa ako ng loko.

“Kumain ka na kaya?” Sabi ko sa kaniya saka tinuro ang laman ng plato niya na walang bawas.

Nakapangalumbaba lang siya sa akin at nakatitig habang kumakain ko. Kanina pa siya ganiyan simula nang umupo kami, wala siyang ibang ginawa kundi pag-masdan ang bawat pag-nguya ko. Kaya hindi ko tuloy masiyadong ma-enjoy ang pagkain, nakakahiya naman kung makita niya akong kumain na parang isang babeng balahura. Siyempre kailangan mahinhin tayo, duh! Nasa harap tayo ni bebelabs e.

“Nah, I just want to stare at you.”

“Kumain ka na! Nakakailang kaya yang pagtitig mo.” Reklamo ko.

“Just let me. I miss staring at your beautiful face, dalawang buwan ko ding hindi nakita ang mukha at ngiting yan.” Sabi niya saka sumandal sa hamba ng upuan niya at nag-cross arm habang hindi pa din inaalis ang tingin sa akin. “So tell me, how's your work?”

“Maayos naman, medyo masakit lang sa ulo yung boss ko at yung kapatid niya.” Umirap pa ako sa ere nang maalala ko ang pagmumukha ng Yllana na yun.

“Why? May ginawa ba silang masama sayo?” Tumalim ang tingin niya.

Umiling ako saka uminom ng juice bago sumagot. “Hindi naman. Naiirita lang ako sa boss ko dahil ang isip bata niya... medyo lang naman. Tapos yung kapatid niya naman, nabu-bwiset ako dahil ang sama ng ugali. Akala mo naman siya ang nagpapa-sweldo sa mga employee doon sa kumpanya kung maka-tulak.” Sa inis na nararamdaman ko ay tinusok ko ng madiin ang steak na nasa plato ko gamit ang tinidor. “Ang sarap ipa-ubos ng dugo niya sa mga kauri niyang linta.”

Narinig ko ang marahan niyang pag-tawa dahil sa naging reaksyon ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya yon pinansin at nag-patuloy lang sa pag-tawa. Nang huminto siya sa pag-tawa ay sumimsim siya ng juice.

“Okay, I'm sorry, nakakatawa lang kasi ang reaksyon mo.” May mapang-asar pang ngisi ang nasa labi niya. Inirapan ko siya saka hindi na pinansin. “Sino ba yang boss mo at ang kapatid niya na kina-iinisan mo?”

Huminga muna ako ng malalim bago siya sagutin. “Kilala mo ba si Xever Nicholo Murukami?”

“Xever? Of course, I know him. Sino ba naman ang hindi makaka-kilala sa pangatlo sa pinaka-mayamang tao sa buong asya?” Sabi niya na parang wala lang sa kaniya.

Ako naman ay kung may tubig akong iniinom ay kanina ko pa nibuga sa gulat. Nanlalaki ang mga mata ko at napahigpit ang pag-hawak ko sa tinidor pati na kutsilyo.

Habang inaalala ang mga pinag-gagagawa ko kay Xever, ang pag-kurot, pag-sipa, pag-hampas at ang pag-pingot ko sa kaniya bigla akong pinanlamigan. Paano ko nagawang saktan ang pangatlo sa pinaka-mayamang tao sa asya?

Natampal ko nalang ang noo ko saka napapikit. Kaya pala ganon nalang ang naging reaksyon ng mga empleyado niya nang kurutin ko siya dahil bigatin naman pala siya.

Aaargh! Nakakainis! Bakit ba ang tangabels ko?!

Paano kung ipa-salvage nalang ako bigla non? Pero parang ayos lang naman sa kaniya ang mga pinag-gagagawa ko sa kaniya e, pero paano kung nagpapanggap lang pala siya na ayos lang para sa kaniya yon pero ang totoo ay hindi? Paano na ako nito? Baka kung anong gawin niya sa akin. Kayang-kaya niyang gawin ang lahat ng masasama sa akin dahil sa pera niya at sobrang yaman niya.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now