MS-39

784 31 9
                                    

Warning: Don't hate me when you read those cheesy lines that I wrote on this chapter.

YUMI CHUA

“Can I sleep here? Beside you?” Tanong niya habang nakayakap sa akin at ang mukha ay nasa leeg ko.

Nandito kami ngayon at nakahiga sa nilatag kong kumot sa damuhan ng bakuran ng bahay. Pagkatapos naming sumayaw kanina, naisipan naming mahiga dito at tignan anh mga nagniningning na mga butuwin sa langit.

Umiling ako sa kaniya. “Hindi pwede.”

“Hmm... Why?”

“Ayoko at siguradong hindi papayag si ate.”

“Wala naman siya dito. Nasa La Union pa din siya so please, let me sleep here.” Pagpupumilit niya pa.

“Ano? Bakit naman nasa La Union si ate samantalang ikaw ay nandito? Hindi kayo mag-kasamang umuwi?” Umupo ako saka hinarap siya. “Di ba sabi ko sayo na wag mo siyang pababayaan o lulubayan man lang ng tingin dahil baka kung anong mangyari sa kaniya lalo na't ngayon na buntis siya.” Hinapas ko siya sa dibdib pagkatapos kong sabihin yon. “Bakit mo naman siya iniwanan doon?!” Inis kong sabi sa kaniya.

Hinawakan niya naman ako ang kamay ko para tumigil sa kakahampas sa kaniya saka pinahiga ako sa tabi niya at pinaunan ang braso niya. Inis naman akong nag-paubaya dahil alam kong hindi niya naman ako hahayaan na tumanggi, isa pa gusto ko din naman ang posisyong to namin.

“Easy,” Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko. “Kasama niya sa Khariza sa isang hotel, remember her? Siya yung manager ni Samantha pero ngayon hindi na at siya na ang ginawa kong manager pansamantala since Tania is pregnant.” Aniya na ipinagtaka ko.

“Huh? E bakit mo pa sinama si ate sa La Union kung may manager ka naman na pala?”

“Since she's pregnant, I want her pregnancy to be soft and relax. Pambawi ko na sa kaniya yon dahil masiyado naman na siyang maraming nagawa sa akin. Pag-papasalamat ko na din sa kaniya dahil kapatid ka niya at nakilala kita.” Agad naman akong namula nang sabihin niya yon.

“Hindi ko nasabi sayo na hindi na siya ang manager ko dahil nakalimutan ko. Alam ko ding susundan mo yung ate mo doon sa La Union dahil gusto mo siyang alagaan kaya hindi ko na talaga sinabi. Kilala kita, hinding-hindi mo pinapabayaan ang mga taong mahahalaga sayo.”

“Siguradong magiging ayos lang ba siya doon kasama si Khariza?”

“Alam kong hindi dahil maiirita siya sa kadaldalan ng babaeng yun kaya pinapunta ko na din ang asawa niya at ang anak niya para samahan siya.” Ngumiti siya sa akin pagkatapos niyang sabihin yon.

Nginitian ko naman siya pabalik saka niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko naman ang paghagod niya sa buhok ko gamit ang kamay niya.

“Thank you, salamat sa pag-aalaga sa ate ko. Hindi ko akalain na bukod sa pagiging masungit at possessive mo ay may side ka palang maalagain.” Asar ko sa kaniya.

“Wala naman talaga akong side na ganon but you thought me how to. So I should be the one to be thankful to you kasi dahil sayo, nagbago ako. Na ang dating Yeonjun na walang pakialam at walang ibang gustong gawin sa buhay kundi ang makuha ang kapatid niya, ngayon, may iba nang gustong gawin at pinapangarap.”

Hinarap niya ako sa pinagkatitigan sa aking mga mata. Para naman akong nalulunod dahil doon, ang mga mata niyang malalim na nakatitig sa akin na parang pati kaluluwa ko ay hinahalukay.

“Ano naman yon?”

“Ikaw.”

“Ako? Bakit naman?”

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now