MS-3

976 29 10
                                    

YUMI CHUA

“Why did you change your hair color?” Tanong niya sa akin pero hindi ko siya sinagot.

Manigas siya!

Nandito kami ngayon sa loob ng kotse niya habang nagda-drive yung personal driver niya habang siya ay naglalaro lang yata ng iPad niya at ako naman ay nakatanaw lang sa bintana.

Hindi ako makapaniwala, ibig sabihin, si Yeonjun yung alaga na sinasabi ni ate? Siya yung manager nito? Kainis naman oh, sa lahat ba naman ng pwedeng maging artista na magiging alaga niya ay ito pang arogante, mapanglait, mapang-insultong lalaking to pa ang napili niya.

Bakit kasi hindi ko siya tinanong kung sino yung alaga na sinasabi niya e. Kung alam ko lang na si Yeonjun yun e, wala nang dala-dalawang isip pa, hindi agad ako papayag sa pabor na hinihingi niya.

Mabuti nalang din at hindi niya ako natatandaan. Hindi niya kasi masiyadong nakita ang mukha ko kahapon dahil pati mukha ko ay may putik-putik din.

Napabuntong hininga nalang ako saka pumikit. Gusto kong sabihin sa ipokritong katabi ko na hindi ako si ate, kaya lang kapag sinabi ko naman yun ay baka basta niya nalang akong iwanan dito sa kalsada. Sa ugali niya ba namang yan? Expected ko na agad kung anong gagawin niya sa akin kapag nalaman niya hindi ako yung manager niya.

“Also your perfume, nagbago din.” Nagulat ako nang makarinig ako ng napakalapit na boses sa tenga ko.

Pagkalingon ko, nagulat ako ng makita ang mukha ni Yeonjun na sobrang lapit sa akin habang sinisinghot-singhot ang leeg ko. Nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa ginagawa niya.

“A-Ano ba, t-tigilan mo nga yan.” Sabi ko sa kaniya.

Nilayo niya naman ang mukha niya sa akin pero hindi mawala-wala sa mga mata niya ang pagtataka.

“And your voice too. May problema ka ba, Tania?” Tanong nito sa akin.

Yumi ang pangalan ko, tukmol!

Gustong-gusto kong isigaw sa kaniya yon pero pinigilan ko ang sarili ko.

“W-Wala.” Nasagot ko nalang saka muling ibinaling ang tingin sa bintana.

“Really? You look bothered. My nangyari ba? Yung kapatid mo na naman ba?” Tanong na naman nito sa akin. Bigla namang nagpantig ang tenga ko dahil narinig ko ang word na kapatid.

Hmmm...

Hindi ako nagsalita, hinayaan ko lang siyang magsalita, pero hindi na siya nagsalita. Napanguso nalang ako, ang tahimik niya naman masiyado. Gusto ko pa namang itanong sa kaniya kung ano yung mga tsinitsismis ni ate tungkol sa akin kaso nahihiya naman ako. Hindi kami close no.

Maya-maya ay tumigil ang sasakyan sa isang malaking building. Lumabas na si Yeonjun kaya lumabas na din ako. Nang makita ko siyang naunang pumasok sa loob ay pasimple akong naglakad palayo para tumakas. Kaso, hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang boses niya.

“Saan ka pupunta?” Tanong niya sa akin.

“Ahh... W-Wala. Hehehe.” Sabi ko habang may awkward na ngiti sa labi.

Napakunot ang noo niya dahil sa ikinilos ko pero maya-maya din ay tumalikod na siya saka naglakad palayo. Napabuga naman ako ng hangin para pakalmahin ang puso kong sobrang bilis ng tibok dahil sa kaba.

Sumunod ako sa kaniya papasok sa building at naabutan ko siyang nasa tapat ng elevator. Kagat-labi akong tumabi sa kaniya.

“What's my schedule for today?” Bigla niyang tanong kaya napalingon ako sa kaniya.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now