MS- EPILOGUE

1K 35 3
                                    

YUMI CHUA

After seven months...

“Welcome home, Yumi!” Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

Paano ba naman kasi, pagpasok na pagpasok ko sa bahay ay sumalubong sa akin ang confetti at sigaw nila.

Ngumiti ako ng malawak saka binitawan muna ang maletang hawak-hawak ko. Kita ko ang hawak nilang kartolina at ang nakalagay doon na Welcome Home Yumi!

“Salamat!” Sigaw ko pabalik sa kanila habang may malawak na ngiti sa labi.

Naglakad naman si ate papunta sa akin at sinalubong ako ng yakap. Ang laki na ng tiyan niya, sa susunod na buwan ay ka-buwanan na niya at lalabas na ang baby girl nila ni kuya Terrol na pinangalanan agad nila na Althea.

“I miss you, kambal.” Sabi niya sa akin saka humiwalay sa yakap. “Kamusta ang Spain? Maganda ba don? May mga pasalubong ba ako diyan? Naku, kapag wala kukurutin ko talaga yang singit mo!” Pananakot niya sa akin.

“Siyempre naman ate, meron. At oo sobrang ganda doon sa Spain. Napagtagumpayan ko din yung deal na pinapagawa sa akin ni Xever.”

“Naks! Congrats!” Sabi niya sa akin. “Proud kami sayo, Yumi.”

“Salamat, ate. Sinurprise niyo pa talaga ako, hindi naman na kailangan. Baka ma-stress ka pa niyan tsaka yung baby mo.” Hinawakan ko ang tiyan niya saka hinimas-himas yon. Nanlaki ang mga mata ko nang may naramdaman akong pag-galaw doon. “Atee! Sumipa si Althea!” Tili ko.

“Ang OA, Yumi ah! Hanggang ngayon ang sakit pa din sa tenga ng tili mo!” Si Khariza ang nagsalita na may pancit pa sa bibig.

“At ikaw naman hanggang ngayon patay gutom pa din!” Bawi ko sa kaniya. Narinig ko ang pagtawa nina kuya Terrol at ni Xever na umiinom ng gatas ngayon. “Hoy, Xever! Sabi ni Mr. McLaren magpakita ka naman daw sa kanila.”

Hinarap niya ako habang may hawak-hawak na stick na may hotdog at marshmallow. “Tell him that I don't want to see his face.” Umirap pa siya saka kinagatan yung hotdog.

“Hanggang ngayon galit ka pa din sa kaniya dahil ininuman niya yung gatas mo? Hindi ka maka-move on?”

“I will never forget what he did! I want to skin him alive.”

Natawa nalang ako saka hindi nagsalita. Mabuti naman ngayon, pagkatapos ng ilang buwang pangungumbinsi ko sa kaniya ay marunong na siyang makihalubilo sa ibang tao. Sa totoo nga niyan ay mag-bestfriend sila ni Kaze pati na ng boyfriend ni Innah na si Jeremy. Pare-parehas na mga isip-bata. Kaya kapag magkakasama sila sasakit talaga ang ulo mo.

Inikot ko ang paningin sa paligid. Lumipas ang limang buwan, ang laki na ni Jeiz, si ate naman malapit ng manganak, si Xever naman nagkaroon na ng maraming kaibigan, si Innah naman ikakasal na agad a boyfriend niyang si Jeremy. Sobrang dami ng nagbago. Ako, nakakarating na ako sa iba't-ibang mga bansa dahil sa trabaho ko. Nakapag-patayo na din ako ng sarili kong bahay at cafè dahil sa pagsisikap ko.

Unti-unti ko nang natutupad ang pangarap ko. Kumpleto na ang buhay ko, matanda na din ako at gusto ko nang magkaroon ng pamilya. Kaso lang, yung partner ko...

“Ate, magbibihis lang ako saka ko siya pupuntahan.“ Paalam ko sa kaniya na tinanguan niya lang.

Umakyat na ako sa taas dala-dala ang malaking maleta ko at doon nagpalit ng damit. Nag-ayos muna ako ng sarili bago muling bumaba tsaka nagpaalam sa kanilang lahat na bibisitahin ko lang siya. Pumayag naman sila saka sinabihan akong mag-iingat daw at susunod sila sa akin mamaya.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now