MS-26

715 30 1
                                    

•••

“At last, after so many years, nakadating ka din, Yeonjun.” Pumantig ang tenga ni Yeonjun nang marinig ang isang boses na napaka-pamilyar sa kaniya.

Dahan-dahan siyang tumalikod paharap sa taong yon.

Kumabog ng mabilis ang puso niya ag ang dugo niya sa katawan ay kumulo sa isang iglap nang mapagtantong siya nga yon.

Kahit madilim ay kitang-kita niya ito. Ang singkit nitong mga mata, ang kulay tsokolate nitong buhok na pinagmanahan niya, ang tangkad nito, ang tindig, ang ilong, ang labi at ang pilat sa gilid ng labi nito. Lahat ng yon ay hindi nawala kahit pa lumipas na ang ilang taon, ganon na ganon pa din ang itsura nito.

Kumuyom ang kamao niya at umigting ang panga. Sa isang iglap, dumagsa ang mga alaala sa utak niya na pilit niya nang kinakalimutan.

“What are you doing here, my son? Are you here to get your sister away from me?” Sabi nito gamit ang natural na malamig na boses nito.

“How did you know?” Tanong ni Yeonjun sa kaniya habang nagpipigil ng galit.

Lumipas ang ilang taon, hindi man lang naghilom kahit kaunti ang sugat na iniwan nito sa kaniya. Sariwang-sariwa pa din yon at dumadaloy pa din sa katawan niya ang galit at poot na nararamdaman niya para dito.

Nang marinig niya ang boses nito, wala man lang kaemo-emosyon yon, na parang, wala man lang itong nagawa sa kaniya o sa nanay niya. Na parang walang nangyari noon, na parang wala lang lahat.

Paano niya ito nagagawa e, siya nga, ilang taon na ang lumipas pero dala-dala niya pa din ang sakit mg nangyari noon na parang nangyari lang kahapon. Paano nito nagagawa na baliwalain lang ang nangyari noon na naging dahilan ng pagkasira ng pamilya nila?

Paano?

“How did I know what?” Tanong nito pabalik sa kaniya.

“How did you know that I'm here?”

Narinig niya ang matunog nitong ngisi na nakapag-pairita sa kaniya. Kung dati, iniidolo niya ang ama dahil sa kaastigan nito, ngayon naman ay hinihiling niya na sana, hindi nalang ito ang naging ama niya.

“I have my ways, Yeonjun. Parang hindi mo naman ako kilala.”

Napakagat nalang siya ng pang-ibabang labi. Nakalimutan niyang dati palang secret agent ang ama niya kaya malamang ay malalaman nito ang pagkilos na ginagawa niya. Napapikit nalang siya sa inis sa sarili niya, bakit niya ba yon nakalimutan? Bakit ba nawaglit yon sa isip niya? Ang tanga niya!

“Heck. I forgot that you are a wise thinker.” Bulong niya.

Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Naririnig lang niya ang ingay na nagmumula sa aircon at ang mga kuliglig. Bukod doon, wala na.

Napaisip siya, ngayong nasa harap na niya ang Daddy niya, bakit hindi niya magawang saktan ito katulad nalang ng gusto niyang gawin kapag nakita niya ito? Bakit hindi niya magawa? Bakit ba may pwersang pumipigil sa kaniya para gawin yon?

Parang may pumipigil sa puso at katawan niya para gawin yon sa sarili niyang ama. Hindi kaya, dahil mahalaga pa din sa kaniya ang Daddy niya kaya hindi niya ito magawa man lang saktan? Alam niyang kayang-kaya na niya itong saktan o kaya ay patayin, pero hindi niya talaga magawa.

What's happening to me?

“I'm so proud of you, Yeonjun. You were a very successful man right now, a well known superstar around the world. Kahit wala ako sa tabi mo, naging tanyag ka, naging matagumpay kang tao. Sigurado akong masaya din ang Mommy mo ngayon, siguradong ipinagmamalaki ka ni Lorenza sa mga kasamahan niyang anghel sa langit.”

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now