MS-33

830 28 4
                                    

YUMI CHUA

Teka, ano bang dapat kong gawin?

Oo nga't nandito na ako sa harap ng unit niya ngayon, pero hindi ko magawang pindutin pin para makapasok ako sa loob. Iniisip ko kasi, kapag pumasok na ako sa loob, anong gagawin ko?

Aish! Umu-overload na naman sa kata-ngahan ang utak mo, Yumi e! Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa inis sa sarili, bakit ba ang tange-tangengot ko? Masiyado akong naging lutang sa buong biyahe kaya hindi ako nakapag-isip ng pwedeng gawin ko pagdating ko dito.

Napabuga nalang ako ng hangin bago pindutin ang ang pin ng unit niya. Sana nga lang, hindi niya pa binago yon.

Bahala na.

Laking pasalamat ko nang ganon pa din ang pin ng condo unit niya. Pumasok ako sa loob at sumalubong sa akin ang napaka-dilim na paligid. Ganon pa rin ito kagaya ng iniwan ko, may naka-kalat nga lang na maleta. Siguro ay kay Yeonjun yan, kakauwi niya lang galing Tagaytay e.

Hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw, dumiretso na ako sa kwarto niya dahil sigurado namang nandon lang siya at natutulog.

Nang marating ko yun, hindi na ako kumatok at dumiretso nalang sa pagpasok. Pagpasok ko, tama nga ako na nandito lang siya at nakahiga. Ang lalim na ng paghinga niya kaya sigurado akong tulog na siya ngayon.

Dahan-dahan akong lumapit papunta sa kama niya at umupo doon sa tabi niya. Napangiti nalang ako habang nakatingin sa kaniyang mukha na payapa ngayon, hindi katulad kanina na akala mo handa ng maging kriminal. Wala sa sariling hinaplos ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. Ngayon ko lang napansin na kulay abo na pala yon, bagay na bagay sa kaniya ang kulay na yon. Lalo siyang gumwapo.

“Mabuti naman at hindi ka na binabangungot.” Bulong ko sa kaniya. “I'm sorry, boss. Sorry dahil nagalit ka kanina, hindi ko naman ginusto yun e. Promise, kahit nga ako nandidiri sa labi ng loko na yon, as in, yuck!” Inis na bulong ko pa.

“Ayokong mag-assume, pero hindi ako sigurado sa sinabi ni Patrick na kaya ka daw nagka-ganon kasi nagseselos ka. Ewan ko, hindi ko naman alam ang takbo ng utak mo e.” Kinuha ko ang kumot sa paanan niya saka inilapat yun sa katawan niya.

Habang nakatitig sa kaniya, naitanong ko nalang ang sarili, ano bang nagawa ko para makuha ko ang puso niya? Ano bang mabuting nagawa ko at nagustuhan niya ako? Babae lang naman ako, makulit, pala sigaw, pala-utos at nananapak. Hindi ko alam kung sadyang hilo lang ba siya o bangag dahil naisipan niyang ligawan ako. O baka naman trip niya ako? Kaso, hindi naman siya ganong klaseng tao e.

Kawawa naman ang boss ko, natulog nang hindi nakapag-palit ng damit. Hayaan mo na nga, mabango pa naman siya kahit amoy alak.

Tumayo na ako saka dahan-dahan inilapat ang labi sa noo niya, aalis na muna ako, hindi ko siya masusuyo kung tulog siya at lasing na lasing. Babalik nalang ako bukas kapag maayos na siya.

“Good night, boss.” Yun ang huling sinabi ko bago maglakad palayo pero hindi pa ako nakaka-tatlong hakbang nang may magsalita sa likod ko.

“Do you think I will forgive you that easy?” Nanlaki ang mga mata ko saka dahan-dahan siyang nilingong muli.

Nakapatong na ang ulo niya sa palad niya habang nakangisi ang labing naka-tingin sa akin. Ang ngiting yan, ang ngiting ilang araw ko nang hinahanap-hanap. Wala sa sariling ngumiti ako sa kaniya pabalik.

“Boss,” Nasabi ko nalang habang matiim na nakatitig sa kaniya.

Tinapik niya ang space sa tabi niya na parang pinapa-upo ako doon. Walang pagda-dalawang isip na sinunod ko ang gusto niya, umupo ako sa tabi niya pero nauwi din yon sa higa dahil bigla niya akong hinatak saka niyakap. Hindi pa siya nakuntento, inayos niya ang pagkaka-higa ko, inunan niya ang braso sa ulo ko at inamoy-amoy pa ang buhok ko. Napapikit ako nang dahil doon.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now