MS-8

913 27 1
                                    

•••

Napatulala si Yumi dahil sa sinabi ni Yeonjun, hindi niya alam kung maaawa ba siya dito habang nakikita ang pangungulila, lungkot at pagod sa magaganda nitong mga mata.

Ngumiti si Yeonjun sa kaniya pero alam niyang pilit lang yon dahil hindi yon umabot sa mga mata nito.

“I'm just fucking tired of all of those shits that's happening into my life. You know, I'm tired because of that promise that I made to my Mom. I'm tired because until now, I still don't have my sister, I still can't take care of her, I still can't be a brother to her.” Ika ni Yeonjun saka isinandal ang ulo sa balikat ni Yumi kaya nagmukha silang magkayakap.

“I'm just wishing that, that one day, just one day, I will forget all my problems and be happy. I want to be happy and free, I want to bring back my old self who used to laugh and... play.” Pagkatapos nitong sabihin ang huling salita ay nakatulog na ito dahil sa kalasingan.

Muntik na nga itong matumba mula sa pagkatatayo, mabuti nalang at nahawakan agad siya ni Yumi. Inilagay niya ang braso nito sa balikat niya at ipinasok sa kwarto. Inihiga niya ito sa kama at iniangat ang kumot hanggang sa bewang nito.

Napatitig siya sa mukha nito na mahimbing na natutulog. Isang araw pa lang niya itong nakakasama pero nangyari na agad ang ganitong eksena sa kanilang dalawa.

Hindi niya makakalimutan ang mga mata nito kanina na punong-puno ng hindi kaaya-ayang emosyon. Nakaramdam siya ng awa para dito dahil makikita mo talaga sa mukha nito na pagod nito at hindi man nito aminin, alam niyang nalulungkot ito sa loob-loob nito.

Hindi siya makapaniwala na kilala niyang Yeonjun na arogante, masama ang ugali at laging nakasimangot ay may tinatagong ganong emosyon. Hindi talaga lahat ng tao ay malakas porket pinapakita lang nila na malakas sila. Pinapakita lang nila na malakas sila para hindi sila magmukhang mahina sa mata ng iba.

Gusto niyang magtanong kung anong meron sa pamilya nito dahil may malaki itong problema pero hindi niya magawa dahil tulog ito at hindi pa naman sila ganon ka-close para magtanong ng personal na bagay patungkol sa pamilya nito.

Wala sa sariling hinaplos niya ang buhok nito saka ngumiti habang nakatitig dito.

“Tutulungan kitang mabalik ang dating ikaw, pangako yan, kung papayagan mo ako, boss.” Sabi ni Yumi.

Tumayo na siya saka lumabas ng kwarto para ayusin ang kalat na ginawa ni Yeonjun sa dining area. Pagkatapos niyang maglinis ay bumalik siya sa kwarto nito dala-dala ang isang maliit na planggana na nag-lalaman ng maligamgam na tubig, may dala din siyang towel para ipamunas dito.

Sinimulan niyang punasan ang mukha nito habang nakangiwi.

“Bakit kasi ang aga-agang uminom, kapag ako talaga nainis, papalaklakin kita ng isang jug ng alak. Hmp!” Inis na bulong niya na para namang sasagutin siya pabalik ni Yeonjun.

Pagkatapos niyang punasan ang mukha nito ay sinunod niya ang leeg nito pababa sa dibdib nito atsaka tiyan, nakapikit siya habang ginagawa yon dahil baka isipin ng boss niya na minamanyak niya ito. Atleast kapag nagtanong ito kung paano niya ito pinunanasan ay may maisasagot siyang matino. Pagkatapos ay ang braso niya at kamay, inisa-isa niya pa ang mga daliri nito. At nang makatapos na siyang punasan ito ay tinungo niya ang walk in closet nitong napakalaki saka kumuha doon ng kulay itim na t-shirt at isinuot kay Yeonjun.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now