MS-17

834 31 1
                                    

YUMI CHUA

“Yeonjun! Ano bang problema mo?! Mag-focus ka!” Rinig kong sigaw ni Direk kaya napalingon agad ako sa set.

“Sorry, I'm just sleepy.” Paghingi ng paumanhin ni Yeonjun.

Nakita ko naman ang marahas na pagbuga ng hangin ni Direk saka sumigaw.

“Sige, gagawin na muna namin ang scene 13, bibigyan kita ng dalawang oras para matulog and make sure, pag-gising mo, aayusin mo na ang performance mo.” Sabi ni Direk saka padabog na itinapon sa sahig yung script.

Si Yeonjun naman ay parang wala lang, diretso lang siyang naglalakad dito papunta sa akin— teka! Sa akin?! Bakit sa akin?!

Nagtatanong akong nakatingin sa kaniya habang siya naman ay diretso lang ang tingin sa akin na parang hinuhukay ang kaluluwa ko.

Paglapit niya agad ko siyang tinanong.

“Bakit—”

“Samahan mo akong matulog.” Sabi niya saka hinila yung kamay ko.

“Teka, ano?!” Pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero ayaw niya akong bitawan.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at basta nalang akong ipinasok sa loob ng dressing room niya. Pagpasok naming dalawa, sinara niya agad ang pinto atsaka hinarap ako.

“Make me sleep peacefully.” Aniya na hindi ko naman ma-gets.

“Huh? Teka, hindi kita maintindihan.”

“Aish!” Inis niyang singhal saka basta-basta nalang akong hinila paupo doon sa mahabang couch.

Pinaupo niya ako doon at nagulat nalang ako sa sunod niyang ginawa. Humiga siya at ginawang unan ng hita ko, napasinghap ako dahil doon at ito na naman ang wirdung pagtibok ng puso ko.

“U-Uy, tumayo ka nga. Ikukuha nalang kita ng unan.” Inaangat ko ang ulo niya pero binabalik niya lang din yun.

Ang tigas ng ulo!

“Boss! Ano ba! Tumayo ka nga, ikukuha kita ng unan para yun nalang ang gawin mong—”

“Shh... I don't need that. I only need you beside me to sleep pacefully.” Aniya habang nakapikit.

“Bakit naman ako?”

“I don't know either. It's just that, everytime that you are beside me when I'm asleep, the nightmares that hunting me for the whole 3 years... it will disappear. I don't know, Yumi. What have you've done to me?”

“Asus! Nagkataon lang siguro na kapag hindi ka nagkakaroon ng bangungot ay nasa tabi mo ako kaya naiisip mo yan. Imposible namang ako dahilan kung bakit hindi ka dinadalaw ng masamang paniginip mo no.” Sabi ko sa kaniya.

“Wag kang aalis ah?”

“Paano naman kapag kailangan kong umalis?”

Nagkibit balikat lang siya saka natulog. Ako naman ay napabuntong hininga nalang at hinayaan siyang matulog sa hita ko. Wala namang mawawala sa akin kapag pinabayaan ko siya e, pero, masiyadong imposibleng mangyari yung sinasabi niya kanina. Duh! Ano yun? Magic? Na kapag katabi niya ako ay hindi siya babangungutin?

“Haay, boss. Bakit ba minsan ang weird mo?” Sabi ko saka sinuklay-suklay ang buhok niya gamit ang daliri ko pero nagulat ako nang hawakan niya yon tsaka pagsiklupin ang daliri naming dalawa.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now