MS-36

727 25 8
                                    

YUMI CHUA

“Ito na yung fresh milk mo, sir.” Sabi ko saka binigay kay Xever yung isang mug ng fresh milk na hinihingi niya sa akin kanina.

Magiliw niya naman yong tinanggap habang may malapad na ngiti na nakapaskil sa labi niya.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na siya talaga ang boss ko. E mas isip bata pa siya sa akin at totoong mas bata nga siya sa akin. Paano niya nagawang maging CEO ng kumpanyang ito sa edad niyang yan? Pwede na ba yun? May kakayanan na kaya siya? Sabagay, hindi naman siya ilalagay sa pwesto na yan kung wala siyang alam sa pamumuno. Pero kahit ganon, hindi ko pa din maiwasang magtaka.

“Thank you. And please, just call me Xever.” Aniya saka sumimsim sa gatas niya.

“Ayoko nga, baka sabihin ng iba ang sipsip ko sayo dahil hindi pormal ang pag-tawag ko sayo.”

“Don't mind them, akong bahala sayo.” Kumindat pa siya sa akin.

Inirapan ko nalang siya saka umupo sa upuan sa harap ng table niya. “Xever, sagutin mo nga ang tanong ko.”

“What is it?”

“Ilang taon ka na?”

“19.”

“So, 19 ka pa lang pero paano ka naging CEO ng kumpanyang ito? Hindi ba masiyado ka pang bata? Graduate ka na ba ng college? Anong degree mo?” Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

“I graduated from the ***** University. Maaga akong gumraduate dahil noong first year high school pa lang ako, pinag-take ako ni Dad ng test para maka-angat agad ako ng level. I take the test for first year college at the degree of business management. Ang basic lang naman nung test kaya naipasa ko, and at the age of 17, I graduated as Magna Cum Laude sa university na yon.” Sabi niya na parang wala lang yon.

Ako naman ay napanganga sa mga sinabi niya. Noong first year high school siya ay nag-take na siya agad ng exam para sa pagiging first year college at ang sabi niya pa ay basic lang yon kaya naka-pasa siya?! Paano niya nagawa yon e, ako nga noong first year high school ako nagkanda buhol-buhol ang ugat ko sa katawan para lang sagutin ang isang Math problem tapos siya ganon?! Anong utak meron tong batang to?

Nang makabawi ako sa pagka-shock ay muli akong nagtanong.

“Bakit ka naman pinag-take ng Dad mo ng exam para nakapag-college ka agad?”

“At that time, he's sick. He had a Leukemia at bilang na ang mga araw niya. Siguro... minamadali niya lang ako para mamana ko agad at ma-manage ang kumpanya bago siya mawala.” Pagkatapos non ay nag-kibit balikat siya. “Maybe?”

“P-Patay na ang Daddy mo?”

Tumango naman siya.

“Yeah, he died two weeks ago.” Sabi niya saka umiwas ng tingin sa akin. Pero kahit ganon, kitang-kita ko pa din ang pag-daan ng sakit at lungkot sa mga mata niya.

“I'm sorry.”

“It's okay, tanggap ko naman na. In this world everything has an end, there's nothing permanent and when the day that my Dad come's to his end, I already accept it. Accept that he's gone, dahil yun lang naman ang pwede kong gawin. Hindi ko naman maibabalik si Dad kung hindi ko gagawin yon.” May ngiti sa labi niya habang sinasabi sa akin ang mga salitang yon.

Nginitian ko naman siya pabalik. Kahit naman pala may pagka-isip bata to ay may time pa rin na seryoso siya. Nakaka-proud din dahil tama ang pananaw niya sa buhay, na kahit isip-bata siya ay may side pa rin na mature siyang mag-isip.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now