Chapter 3: Troy Ashvill

2.2K 200 137
                                    

Chapter 3: Troy Ashvill

Gulat na gulat pa rin ang aking ekpresyon habang tinitingnan ang dalawa. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Ang bampirang kanina lang ay gusto akong patayin ay nasa harap ko nga! And to make things worst ay kapatid niya pa pala ang bata.

Napalunok naman ako. Inaakala kong nakalayo na ako sa lalaki pero iyon pala ay hindi! Dahil ako na mismo ang lumalapit sa aking kamatayan sa kamay ng bampirang ito! Nakita ko namang napakamot ng ulo ang bata.

"Akala ko po ba ay alam niyo na bampira po ako. Ang buong valencia po ay lugar ng mga bampira kaya bakit po kayo nandito?" maamong tanong sa akin ng bata.

Nanlaki naman ang aking mga mata sa sinabi niya. Tila binagsakan ako ng langit at lupa sa mga nalaman ko. Ibig sabihin niyan teritoryo nila 'to? Lugar 'to ng mga bampira?

"H-Hindi maaari." takot na sambit ko.

Nagsisimula ng mag isteriko ang buong katawan ko, tila ba ako'y kinukuryente dahilan upang hindi ako makagalaw ng maayos. Kung ako nga ay nasa lugar ng mga bampira ibig sabihin lang niyan, lahat ng nandito ay hindi kagaya ko! Lahat sila ay mga bampira at pumapatay ng tao!

Nanindig naman ang mga balahibo ko ng may biglang sumagi sa isipan ko. Paano kung hindi na ako makalabas ng buhay? Paano kung malaman nilang ako'y isang tao? Iinomin ba nila ang dugo ko at gagawing karne ang buong katawan ko? Tila sumama yata ang aking sikmura ng maisip ko ang mga posibleng mangyari sa akin. Para bang ako'y masusuka.

Bumuga ako ng malalim na hininga at isinantabi lahat ng mga 'di kaaya-ayang naiisip ko. Tiningnan ko ng masama ang lalaki at pilit pinapakita na ako ay matapang sa harap niya.

"Ikaw!" sigaw ko.

"B-Balak mo akong patayin!" sigaw kong muli habang hindi iniiwas ang tingin sa kanya.

Napapigil naman ako sa paghinga nang humakbang siya papalapit sa akin.

"Diyan ka lang! Huwag kang lumapit sa akin!" bulaslas ko at agad na umatras.

"Kuya? Totoo po ba? Ba't niyo po siya papatayin?" inosenteng tanong ng bata dahilan upang ako'y kilabutan.

Tiningnan siya ng lalaki at napabuntong hininga.

"Okay look!" usal ng lalaki at unti-unting lumapit sa pwesto ko na ikinaatras ko na naman.

"Diyan ka nga lang sabi!" galit na sigaw ko.

Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ang buong lakas ko upang sigawan ang lalaki kahit na alam ko namang ito'y isang bampira at wala akong panama sa lakas niya basta ang alam ko lang ay dapat kong ipakita na malakas ako't hindi natatakot sa kanya.

Naramdaman ko naman ang unti-unting pagtulo ng mga pawis sa buong katawan ko. Mabilis din ang pag kabog ng puso ko na tila ba may mga kabayong nag kakarera sa loob nito.

Nakita ko naman ang paghinahon ng ekspresyon ng lalaki habang marahan akong tinitigan. Tumigil na rin ito sa paglapit sa akin, mabuti naman.

"Pasensya ka na." usal ng lalaki habang seryoso akong tinitingnan.

"Hindi ko nais ang takutin o saktan ka Sirene. Hindi ko iyon sinasadya. Nawala ako sa katinuan at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Basta ang naaalala ko lang ay nakita kita sa daan. Matapang ang iyong aroma't panigurado, kung may ibang bampira roon siguradong napahamak ka na." patuloy nitong wika, tila ako naman ay nagulohan sa kanyang sinabi.

"Anong ibig mong sabihin? I-Isa ka ring bampira! Muntik mo na akong kagatin at patayin! Kaya pare-pareho lamang kayo!" hindi makapaniwalang usal ko sa kanya.

The Vampire King's Beloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon