Chapter 40: Final Chapter

1.2K 48 8
                                    

Chapter 40: Final Chapter

Last chapter na. Pakihintay ang announcement pagkatapos ng epilogue hu hu.

***

Tatlong araw na akong nakagapos. Hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako o hindi. Nga-iisip ako ng plano kaya lang paano ko gagawin ang plano kung hindi nga ako makaalis sa kadenang ito.

"Don't think of escaping away from me, Sirene. Hindi ka makakawala." Rash said with confidence in her voice.

Umismid naman ako at inirapan siya. Kakapasok niya palang sa silid at may dala-dala itong tray na may pagkain at tubig. Kung papatayin niya lang din naman ako ay sana hindi na niya ako pinapakain.

"Pakawalan mo ako. Paano ko kakainin 'yan?" tanong ko.

Napatawa naman siya sa aking sinabi. "You think I'm that dumb, Sirene? Kung ayaw mong kumain sa paraang gusto ko edi 'wag!" asik niya at itinapon ang pagkain sa harap ko.

Narinig ko tuloy ang pag tunog ng sikmura ko. Hindi ko maipagkakaialng gutom na nga rin ako. Ito na ang pangatlong beses na dinalhan niya ako at itinapon ang pagkain sa harap ko.

Tiningnan ko naman si Rash na tinititigan ako ng mariin.

"Anong mapapala mo kapag pinatay mo ako o si Troy, Rash?" tanong ko.

"Maibabalik mo ba si Kael 'pag pinatay mo kami? Sa tingin mo g-gusto to ni Kael?" tanong kong muli.

Nakita ko ang pagtiim bagang niya. Lumapit siya sa akin at ramdam kong nagagalit na siya. Ilang beses ko na siyang tinatanong tungkol kay Kael at ilang beses niya na din akong sinasaktan dahil dito.

"Anong alam mo sa gusto ni Kael? W-Wala! Kaya wala kang karapatan para pagsabihan ako niyan! Alam mong may kasalanan kayo. Dahil sa i-inyo nawala siya!" sigaw niya at hinampas ako ng babasaging bagay sa aking ulo.

Hindi ko napansing may dala siya, ah! Napadaing naman ako ng maramdaman ang hapdi sa aking ulo at noo. Nahihilo rin ako. Tumingala ako at tiningnan si Rash na nanggagalaiting saktan ako.

"G-Go on. Kill me!" pag-tulak ko sa kaniya.

Nakita ko kung paano pumula ang kanyang mukha at kung paano umitim ang kanyang mga mata. Now, she's really angry. Pinipilit ko talagang magalit siya sa akin. Isa ito sa plano ko. Kapag hindi gumana then... I need to plan again.

Tatlong araw na ako rito. Gusto ko ng makita si Troy. Baka kung ano pa ang isipin no'n. Baka isipin niyang iniwan ko siya. But, I know he knows that I will not leave him, again.

"Gusto mo na talagang mamatay ah?!" singhal niya sabay sipa sa aking sikmura.

Hinawakan niya ako ng mahigpit sa aking baba at ang isang kamay naman niya ay sinasakal ako. Hindi na niya kayang pigilan ang sarili niya dahil galit na galit na siya.

Ramdam ko rin ang dugong umaagos galing sa ulo ko. Masakit na pero iininda ko lang. Kailangan kong maging matatag. Kahit na gusto ko ng pumikit ay hindi pwede.

"G-Go on. K-Kill me now, R-Rash!" pilit kong pag-tulak sa kaniya kahit nahihirapan na akong magsalita dahil sa kamay niyang nasa leeg ko.

"M-Matapang ka lang n-naman kasi nakakadena ako. Matapang ka lang kasi h-hindi ako m-makalaban." pilit kong sabi sa kaniya.

Nakita ko naman ang pagtigil niya sa aking sinabi. Napangisi naman ako dahil doon. Ito lang pala ang makakakuha ng atensyon mo, ah?

"Y-You are not fair, R-Rash." I said while breathing heavily.

"Y-You are unfair! Ni hindi ako makalaban sa'yo kasi nakakadena ako! Pakawalan mo ako't maglaban tayo." giit ko at nginisihan siya.

I saw amusement on her eyes. Ilang segundo lang ay napatawa siya ng malakas sa aking sinabi. Napakunot-noo ako dahil doon.

The Vampire King's Beloved Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ