Chapter 8: Vampire Hunter

1.2K 178 53
                                    

Chapter 8: Vampire Hunter

Pinalilibutan ng katahimikan ang buong silid kung saan ako nakahiga ngayon. Tanging ang tunog lamang ng mga maliliit na ibon na nangagaling sa labas ang naririnig ko. Tiningnan ko ang orasan at napabuntong hininga. 11:30 pm.

Gabi na. Pero hindi pa rin ako makatulog. Sabi ni Troy sa akin kanina eh papasok kami sa academy bukas. Wala na raw akong po-problemahin sa enrollment form ko. Siya na raw bahala sa lahat.

Ewan ko ba. Pero parang may kakaiba akong nararamdaman kay Troy. Na para bang matagal na niya akong kilala.

Napa iling naman ako ng maalala ang sinabi ni Rain sa aking isipan kanina. Hindi na ako magtataka kung ba't niya ako kinausap gamit ang isip ko. Bampira siya eh.

"Umalis kana kung ayaw mong mamatay sa kamay niya."

Napa-isip naman ako bigla. Paano kung totoo nga ang sinasabi niya? Paano kung kaya nga akong patayin ni Troy?

I sniff. Bumangon ako sa pagkakahiga at ginulo ang buhok ko.

"Ugh!" bulyaw ko at napasimangot.

Akala ko na kapag nakalayo na ako kay Inay eh makakalaya na ako. Eh dito lang din pala ako mapapadpad. Hihiga na sana ako ng may bigla akong narinig. Na tila ba tinatawag niya ako.

"Sirene..."

Mahinang bulong ng hangin sa aking mga tenga. May tumatawag sa akin.

Hanggang hindi ko na lang namalayang sinusundan ko na pala ang boses na syang tumatawag sa akin. Napabalik na lamang ako sa ulirat ng tumigil na ang pagtawag sa akin ng boses na 'yon. Tiningnan ko ang buong paligid at napasinghap ng makitang nasa gitna na pala ako ng gubat.

"What the heck?" I cursed.

Tiningnan ko naman ang paa ko ng maramdaman ang lamig ng lupa. Hindi pala ako nakapagsuot ng tsinelas?

"Ugh, ano ba kasing ginagawa ko?" bulong ko sa hangin.

Kahit hindi ko alam ang daan pabalik eh aalis na sana ako sa pwesto ko ng may nagsalita sa likuran ko.

"San ka pupunta?" matigas nitong tanong sa akin.

Bigla namang umihip ang malakas na hangin dahilan upang ginawin ako. Napalunok naman ako at dahan-dahang tumingin sa likuran ko.

Pero wala akong nakikita. Sobrang dilim sa kinatatayuan nito. Pero ramdam ko na lalaki ito. Matangkad at nakakatakot.

I gulp. "S-Sino k-ka?" takot na tanong ko sa kanya.

Nakita ko namang humakbang siya papalapit kaya dahan-dahan din naman akong umatras sa kinatatayuan ko.

"S-Sino ka b-ba?"

Kinakabahan na ako. Para na yata akong mahihimatay kung magtatagal pa ako rito.

Tanga mo kasi Sirene eh. Ba't mo pa sinundan ang boses na 'yon? Eh alam mo namang hindi ka ligtas sa lugar na 'to!

"Huwag kang matakot." ani niya na ikinatahimik ko.

Sino bang hindi matatakot sa kanya? Eh ba't siya nandito sa gubat sa oras na ito? Humakbang pa siya ng kaunti hanggang sa naaniag ko na ang pagmumukha niya. Hindi ko siya kilala. Sino ba siya?

"Ako si Dastan, Sirene." mahinahong pakilala niya sa akin ngunit nakakunot noo lamang ako.

"Anong kailangan mo? At ba't mo ako kilala?" tanong ko ngunit hindi pa rin ako kampante sa presensya niya.

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now