Chapter 20: Unfold the Past

879 80 18
                                    

Chapter 20: Unfold the Past

Ngayon ay nandito ako sa labas ng palasyo kasama si Kael na tinitingnan ang mga bampirang nagsasanay para sa gaganaping digmaan.

Pinapalakas nila ang mga sarili nila at mas pinabibilis ang bawat galaw nila. Si Dad naman ay bumalik sa office niya kasama ang iba pang council head ng Alegria.

"Ano sa tingin mo... Mananalo kaya tayo sa digmaang ito?" biglang tanong sa akin ni Kael na ikinagulat ko.

"H-Ha? Ah syempre naman!" sabi ko at tumango tango pa.

"Anong gagawin mo kapag nakita mo na si Troy Ashvill sa digmaan?" tanong niyang muli.

Napaisip naman ako sa tanong niya. Oo nga noh? Anong gagawin ko? Lalo na't ngayon ay nagugulohan ako.

"Patayin agad siya." tipid kong wika at tiningnan si Kael.

Kailangan kong magpanggap na iyon pa rin ang gusto kong gawin. Baka kasi pag nalaman nilang nagdududa na ako sa katauhan ko ngayon ay baka uulitin lang nilang burahin ang ala-ala ko.

Tinangoan naman ako ni Kael sa sagot ko at tiningnan muli ang mga bampirang nagsasanay. Inatasan siya ni Dad na bantayan at tulongan silang mas gumaling.

Narinig ko rin kanina na bukas darating ang iba pang mga bampirang nais sumali sa digmaan laban sa Valencia. Malayo ang lugar na tinitirahan ng mga nag rebeldeng bampira kaya alam kong kailangan nila ng ilang oras para maglakbay patungo sa sentro ng Alegria.

"Sirene! Nagsisimula ng magbukas ang iyong isipan. Isarado mo ito!"

Napapitlag naman ako ng may marinig akong boses sa aking isipan. Boses na kagaya ng boses ni Ginoong Greg.

"Huminga ka nang malalim at alisin mo lahat ng mga iniisip mo. Pagkatapos, isipin mong may malaking pinto sa isipan mo na hindi pwedeng buksan ng kahit sino. Sa pamamagitan niyan, walang makakabasa ng iniisip mo."

Bigla naman akong napatingin kay Kael na seryosong pinagtutuonan ng pansin ang isang babaeng kanina pa nagkakamali sa kanyang pagsasanay.

Umalis ako sa lugar at humanap ng tahimik na espasyo. Hanggang sa nakita ko na lamang ang sarili kong nasa likod ng palasyo, kaharap ko ngayon ang fountain na ipinakita ko noon kay Kael.

Tiningnan ko ang tubig at nagtaka ng makitang hindi na ito kulay pula. Malinis ang tubig at maaliwalas.

Totoo talagang binigyan nila ako ng bagong ala-ala? I smirk.

Dinala ko pa dito si Kael at sinabihan siyang gumawa ako ng ritwal para sa wishing well na gusto niya. How pathetic! Lahat naman pala 'yon ay 'di totoo.

Napabuntong hininga naman ako sa ginawa ko na akala koy totoo. Kung hindi ko kailangang alamin ang totoo, umalis na sana ako. Pero hindi pwede. Kailangan ko pang alamin ang katotohanan, at magpanggap bilang Irene sa harap nilang lahat.

Umupo ako sa upoang nakaharap sa fountain at huminga ng malalim. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinunod ang sinabi ni Ginoong Greg. Alam kong siya iyong nagsasalita sa isipan ko dahil ramdam na ramdam ko.

Inalis ko lahat ng mga iniisip ko at nagsimulang mag-isip ng malaking pinto sa aking isipan. Iniisip ko rin na walang ibang makakabukas nito kundi ako lang. Ng magawa ko na lahat ay bumuga agad ako ng malalim na hininga. Okay na siguro iyon.

Bubuksan ko na sana ang mga mata ko ng biglang may nagsalita na naman sa isipan ko.

"Sirene..."

"Ginoong Greg?" tanong ko sa aking isipan habang nakapikit pa rin ang aking mga mata.

"Oo ako nga. Naisara mo na ba?" tanong niya kaya tumango naman ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita.

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now