Epilogue

1.6K 47 10
                                    

Epilogue

"Mama.." tawag sa akin ng anak ko pagkalabas naming dalawa ni Troy.

Namumuo ang mga luha ko sa aking mga mata ng makita kung gaano na kalaki si Ysmael. Manang-mana siya kay Troy. May pagka magulo ang buhok at napaka lamig tingnan.

"I'm sorry.." I whisphered as I hug Ysmael tightly.

"Don't say sorry mama. I understand." he explained.

Ngumuso ako ng makita kung paano kami titigan ni Troy. Hindi ko akalaing ganito na kalaki ang anak namin. I still can't believe everything!

"H-How old are you baby?" tanong ko kay Ysmael habang mahigpit pa rin siyang nakayakap sa akin na para bang ayaw akong pakawalan.

"I will turn three this may, mama." aniya sabay bitiw sa yakap.

Almost, three? Wow! Masasabi kong ang lalim na niyang mag-isip kumpara sa edad niya. Tiningnan ko si Troy at napatawa ng makitang tinaasan niya ako ng kilay. You sure raised him well, ah?

Tiningnan ko ang anak namin na nakangusong nakatitig sa akin. Hinawakan ko ang magulo at medyo curly niyang buhok. Tsokolate ang kulay ng kanyang mata. Matangos din ang ilong. Aba'y gayang-gaya kay Troy, ah? Anong minana niya sa akin?

"I missed you mama.." he shyly said.

"Aw, I'm sorry baby. Pasensya na at tulog si mama. Babawi ako, I promise." I said while holding his back.

He sniff. "Papa is always here for you, mama. He's always here... guarding you," he paused and give Troy a slight peek. "and he's always crying... waiting for you to wake up." he continued.

Napaawang ang aking bibig na napatingin kay Troy. He did? Tiningnan niya lang ako na para bang ang dami niyang gustong sabihin.

"I love you." ani ko kay Troy sa aking isipan. Nginitian niya lang ako at tinangoan. "I love you and I missed you." he said.

3 years. 3 years akong tulog! Ang sabi nila ay nawalan ako ng maraming dugo sa sugat na natamo ko galing kay Rash. Nawalan din ako ng enerhiya sa tatlong araw kong nakagapos. Pero, I knew may ginawa si Rash kaya nanghina ako ng ganoon.

I receive more pain when I was caged inside alegria. Mas marami akong natamo sa kamay ni Gilbert pero hindi ako nawalan ng malay ng ilang taon. Alam kong may ginawa rin siguro si Rash para manghina ako ng ganito. Mabuti na lang at mayroon akong lakas pang natitira kaya nalabanan ko si Rash.

Ang daming nangyari nang wala ako. My boy Ysmael was born without me knowing. Pero masaya ako dahil naiintindihan niya ako. He's matured even if he's still a kid. Ang sabi pa ni tita Emma at Haring Ignacio, matalino si Ysmael. Sa sobrang talino ay kaya na niyang pumasok sa akademya bilang junior.

On the other hand, nalaman kong magkarelasyon na ngayon si Gail at Rain. Gulat ako nang malaman ko but I am happy for them. Naiisip ko pa noon ang kakaibang ikinikilos ni Rain pag nandiyan si Gail and I'm glad at nagkatuloyan sila.

And speaking of Sydney. Nalaman ng lahat ang ginawa niya three years ago. Akala ko alam na nila Troy ang nangyaring pagtataksil ni Sydney pero iyon pala'y hindi. I din't know kaya wala akong pigil sa pagsasalita at nasabi kong si Sydney ang tumulong kay Rash para makapasok sa academy. But... I forgave her. 'Yon nga lang hindi ito nagustohan ni Troy at ng pamilya niya.

Sydney was thrown outside the village at sinamahan siya ni Clark. Gusto kong tumutol pero ayaw nila. Mabuti na lang at nandiyan si Clark para samahan si Sydney. He is smitten with that girl!

Lumabas akong manghang-mangha at gulat sa mga nangyari. Para sa akin ay tulog lamang ako ng ilang araw pero para sa kanila tulog ako ng tatlong taon. Akala ko nga ay na coma ako. But, no. They said my body is resting. Kinailangan ng katawan kong magpahinga sa lahat ng sakit na naramdaman ko and I think I needed that too. Hindi ko lang inaasahang tatlong taon akong makakatulog.

Napangiti naman ako ng makita ang pagbukas ng malaking pinto ng simbahan. Gustong-gusto kong maikasal sa simbahan. It's my dream. Kaya kahit delikado ay ginawan pa rin ng paraan ni Troy na mangyari ang gusto ko. Hindi na nga sana kaya lang nakapagplano na siya.

Mortal ang pari kaya gulat ako ng makitang hindi ito natatakot sa amin. Father knew vampires exist. Kaya pinaburan niya ang gusto kong mangyaring ikasal sa simbahan. I may not be ordinary but I believe in God's blessing.

Kahit unang beses nilang makapasok sa simbahan ay sinamahan pa rin nila ako. They love me and I thank them for that. Nandito lahat ng mga taong gusto kong makasama.

Tiningnan ko si Troy at nginitian ng makita ang mapupula niyang mga mata. Mapupula dahil kanina pa siya naiiyak at ako rin. Hinawi niya ang tela sa aking mukha at hinawakan ang aking baba.

"You may now kiss the bride."

Tahimik ang buong paligid at hinihintay lang nila ang gagawin ni Troy. Pagkatapos nito ay may mangyayaring seremonyang kasalan sa loob ng valencia. Sa pamamaraan naman ng mga bampira.

Pumikit ako ng makitang inilapit ni Troy ang kanyang sarili sa akin. I felt his trembling lips on my lips like it was our first kiss. Humawak ako sa kanyang leeg at hinalikan din siya ng malalim not minding the people surround us.

"Finally, you are mine. M-my queen. My love. My destined mate." rinig kong sabi ni Troy sa gitna ng aming halik. I just smiled and kiss him thoroughly.

Hanggang sa bumitiw na kaming dalawa at sabay na napabuga ng malalim na hininga. Tumingin kami sa paligid at nakita ang palakpakan ng lahat. I saw how tita Emma cried and Troy's dad who just smiled at us. Rain and Gail, wave at us. And ofcourse, Ginoong Greg who always give advice to us.

Inilibot ko naman ang aking paningin at hinanap ang anak ko. Pero hindi ko siya nakita.

"What's wrong?" mahinang tanong sa akin ni Troy. Hindi ko siya sinagot at dali-daling bumaba sa hagdan.

"Where's my son? Where's Ysmael?!" I freaked out.

Nakita ko na rin ang paghahanap ng ilan. Kinakabahan ako at ayaw ko ng kutob kong ito. I felt this... 3 years ago. Ayaw ko na itong maulit.

Nagsisimula na ring mamuo ng mga luha sa mga mata ko. Lumapit ako kay Rain at Gail dahil sa kanila ko ibinilin ang anak ko.

"Where's our son?!" galit kong tanong sa kanila.

Natataranta na ang lahat dahil sa ginawa ko.

"I-I.. Nanidto lang siya kanina! Hindi namin alam kung saan nagpunta. Nandito lang talaga 'yon!" Rain, exclaimed.

Tinalikuran ko sila at mabilis na tinahak ang daan palabas. Rinig ko pa ang pagtawag nila sa akin at ang pagsunod sa akin ni Troy. Hanggang sa narinig ko na lamang ang mahihinang yapak papalapit sa pinto ng simbahan.

And there I saw my son, Ysmael. With blood in his little hands.

"Y-Ysmael!" I shouted and run as fast so that I could hold him.

"Anong nangyari?" tanong ko pagkalapit ko sa kaniya.

"Saan ka nanggaling?" tanong kong muli.

Tiningnan niya lang ako at napatinging muli sa kanyang mga kamay.

"I... I... I killed her... mama." Mabigat na litanya ng aking anak sabay ng kanyang pagkahimatay.

I then remembered some unusual images popping in my head. And there I hear the same lines I heard a few days ago, over and over again.

"Ang batang itinakda. Ang siyang magsasalba sa lahat ng bampira laban sa kasamaan."

"Ang batang itinakda. Ang siyang magsasalba sa lahat ng bampira laban sa kasamaan."

"Ang batang itinakda. Ang siyang magsasalba sa lahat ng bampira laban sa kasamaan."

End.

Author's Note: Thank you so much for reading the story until the end. I love you all!

Ps. Follow me for further announcement.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Vampire King's Beloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon